Chapter Fourteen ALYSSA "KUPAL! bakit? Sa tingin mo type kita? Ha.ha. hindi rin kita type, Marcus!" "Tsskkk" "Relax, napaghahalataan na kayo." "Mahal huwag ka ngang ganyan sa kanila," natatawang saad ng asawa. Binayaran ko na ang Cassava cake saka nagpaalam sa mag-asawa. Inirapan ko naman ang lalaking kanina pa nambibwisit. Aba! Sa ganda kong 'to? Sasabihin niyang hindi niya ako type?! Letsugas! Hinahabol ako ng mga lalaki tapos siya? Ganon na lang? Wah epek ang beauty ko?! Nagpasya akong maglakad-lakad nalang muna. Napadpad ako sa isang ihawan. Arghhhhh, namiss ko 'to. May ilang kumakain naman. Kaya nakihalo na rin ako. "Limang isaw, dalawang hotdog at tatlong paa nga po," magiliw kong sabi. Pinagtitinginan ako ng ibang customer. Aba, maarte lang akong tingnan pero hindi ako m