Chapter Twenty One ALYSSA HINARAP ko ang salamin saka tinitigan ang sarili. Hinawakan ko ang labi kong mahapdi. Oo nga't nasaktan ako sa pagsunggab ni Arc ngunit hindi ko maipagkakailang masarap pala kapag may halong karahasan. Parang nalalasahan ko pa ang labi nito sa akin. But still, galit ako sa kanya. Binaling ko ang tingin sa mga damit kong walang kahirap-hirap niyang pinunit. Hays, mga taga-probinsya talaga, masyadong big deal ang pagsuot ng seksing damit. Oh baka naman si Arc lang? Masyadong maissue ang lalaking yun eh. Gusto niya yatang magsuot ako ng saya para magmukhang Maria Clara. Hays, hindi naman porke nagsuot ng maiksi ay si Magdalena ka na. It's fashion kasi, my goodness. Bumaba sa leeg ko ang paningin. Hindi ko ma-explain ang kakaibang sensasyong dulot ng mapaglarong