RITHWELL PRYCE ARANDIA __ Pinagmasdan ko lang ang puting kabaong ni mom sa harapan. Durog na durog pa rin ang puso ko sa mga nakaraang araw. I would always try to tell myself na may dahilan at hindi dapat ako malungkot dahil finally tapos na ang paghihirap niya pero hindi ko pa rin magawa. I still couldn't accept the fact na wala na akong dadalawin sa ospital at wala na akong dahilan para gumising ng maaga. Kahit kailan hindi ko inisip na ibuburol ko siya dahil naging buo ang pag-asa ko na gigising siya. Hindi ko na namalayan ang taong umupo sa tabi ko. "Kuya... you haven't eaten since yesterday. Kumain ka muna..." Hindi ako sumagot. Wala akong ganang kumain. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino at wala akong gustong makita bukod kay mom. Naramdaman ko ang pagkuha niya sa