RITHWELL PRYCE ARANDIA __ "Salamat, Ri. Ingat ka!" nakangiting sambit ni Nanay Isa. Ngumiti rin ako rito pabalik. "Huwag po kayong magdalawang-isip na tumawag kapag may order kayo." Sumakay na rin ako sa bisekleta ko at nagsimulang pumadyak. Halos pare-parehas lang ang customers na pinupuntahan ko. Karamihan sa kanila ay kilalang-kilala na ako. Kahit papaano ay nakakakuha rin ako ng tip na siya kong iniipon para sa bar exam. Huling delivery ko na iyon para sa buong araw dahil siguradong pasara na rin ang tindahan. Malapit na rin ako nang bumuhos na naman ang ulan. Hindi na ako tumigil pa dahil mukhang hindi iyon titila agad. Sinuot ko na lang ang hood ng suot kong raincoat. Napansin ko ang isang pamilyar na kulay pulang sports car na nakatigil sa gilid ng kalsada. Sinadya kong pumre
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books