It’s been a week pero di ko pa rin makuhang kausapin si Sir Jethro sa opisina niya. Palagi raw kasi itong wala at saka lang pumapasok kapag may kailangan siyang gawin. It’s Saturday today at day off ko. May date sana kami ni Jordan pero may trabaho daw kasi siya. Iyong mga babaeng sumusunod sa akin ay kumunti na. Nasanay na rin ako kung minsan na may sasalubong sa akin na babae at tatanungin ako tungkol kay Jordan pero kung minsan sila na lang din ang umiiwas sa akin. Nandito ako ngayon sa harapan ng police station at pinagdadasal ko na sana nandito ulit ngayon si Jethro. Lumapit ako sa isang pulis at tinanong kung nandito ba ngayon si Sir Jethro. “Sir, meron po ba ngayon si Sir Jethro?” tanong ko sa pulis. “Ma’am pasensya na po. Hindi po siya pumasok ngayon.” Nanlumo ako nang malaman