bc

My Sweet Fighter

book_age12+
306
FOLLOW
1K
READ
family
goodgirl
independent
student
sweet
bxg
lighthearted
female lead
highschool
school
like
intro-logo
Blurb

Hannah Lainne A. Martinez, a 17 years old girl who knows how to fight. Siya ay madalas na napapasabak sa g**o and she loves doing it.

Bilang isang estudyante ay wala sa kaniyang bokabularyo ang mag-aral ng mabuti. Ang gusto niya lamang ay makipag-away at gawin ang natatanging layunin sa buhay -- Ito ay ipaghiganti at makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kaniyang Ama...

Ngunit, makikilala niya ang isang binata na si Lawrence Garcia. Ang mas lalong magpapahirap sa kaniyang sitwasyon.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue “Oh ano!? Lalaban ka pa!? Sige, tayo d'yan at lulompuin kita,” pananakot ko at sabay tawa. “S-surrender na ako..” “Huwag muna, gusto ko makipag-date sa ‘yo kaya dapat lumaban ka! Tara para sa round 100, simulan ang laban!!!” “Hoy, nandito ako. Ako ang magsasabi niyan. Okay, for the next round! Round 3 start the game!!” “S-SURRENDER na ako! Ang sakit ng suntok mo–” “Mabuti naman, sige! Simulan na magbilang! Sampu! Siyam!” “Nandito ako, tumahimik ka d'yan. Okay, counting start! Ang nanalo ay si–” Sa ingay ng lugar dito ay bigla na lang tumahimik. May gusto bang lumaban o tutol sa pagkapanalo ko? Hindi ko palalampasin! “Itigil ang kalokohang ito! Lahat kayo huwag gagalaw. Sabihin niyo sa akin kung sino ang pasimuno ng kaguluhan dito...” Sino bang pakialamero ang magpapatigil dito at makakatikim sa akin. “Si M-mayor? A-anong ginagawa–” “Si Mayor nandito!” “Si Mayor nga, takbo na bilis!” Mayor? Sino bang mayor dit– “Hoy! S-saan kayo–pupunta? Ang premyo ko–t-teka lang saglit!” Asan na sila? Ang premyo ko pano na? H-hindi p'wede ang premyo ko pano na!? “Hoy, ikaw. Nasaan ang Mayor na sinasabi niyo ha!? Tingnan mo nagsitakbuhan sila. Iniwan nila ako habang hindi pa binibigay ang premyo ko!” Naiinis kong sabi sabay kinuwelyuhan ang lalaking mukhang naiwan din. “Mayor, ba't pa kayo bumaba. Male-late na kayo sa–” A-ano? M-mayor? S-siya? H-hindi maaari! “S-sorry, ho. H-hindi ko s-sinasadya–” ~ Ang sakit ng ulo ko. Nasaan na ba ako? “Dito lang, manong. Ikaw! Baba na dyan!” “B-bakit kasama kita?” “Ako dapat ang magtanong sa 'yo. Alam mo bang nakakahiya ‘to! Hanggang kailan ka ba ganito!? Hindi ka man lang nahiya dumayo sa ibang Baranggay para makipag-away! Ang mas malala ang Mayor pa nakahuli sa'yo!” “H-huwag mo naman akong sigawan, aksidente ang nangyari–” “Anong aksidente? Mag-isip ka naman ng maayos na idahilan hindi para sa akin kundi para kina Papa. Humanda ka!” “S-sorry na..Alam kong hindi pa nila alam, huwag mo sabihin! Nagmamakaawa ako. Ito na oh luluhod na as you wish, Master.” “May gana ka pang magbiro ng ganyan, mas lalo kitang isusumbong!” “H-hindi nga ako tumatawa,” nalulungkot na sabi ko. “Fine, tumawa ka na.” “Thank you, the best ka talaga!” sabi ko at gumawa ng nakakatuwang itsura. Sabay kaming tumawa pero... “Narinig ko. Magkasabwat pala kayo. Haha, sige. Goodluck sa inyo bye!” T-teka! H-hindi p'wede ‘to!! “A-aray ko, ba't ka ba manununtok–” “Kasalanan mo ‘to! Hindi ko papalampasin ang mangyayari–” “Hehe, buti nga ‘yon. May kasama na ako–A-aray, ang kamay ko. Tama na! T-Tito, tulong!” .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.7K
bc

EASY MONEY

read
174.4K
bc

Dangerous Spy

read
298.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.6K
bc

YOU'RE MINE

read
893.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook