ISANG daang araw na lang ang binigay ng doktor kay Daisy dahil sa sakit niya sa puso. Tinanggap ni Daisy ang kapalaran niya, para sa kaniya wala ng dapat pang ipangamba. Sa Hacienda Filomina pinili ni Daisy manirahan, para raw malayo mula sa lahat. Doon niya nakilala si Cael ang lalaking walang ginawa kundi ang alukin siya ng pagmamahal. Lahat ng pagtanggi ginawa ni Daisy dito, pero naging mapilit ito sa kaniya. Lahat ginawa ni Cael. Huli na kaya ang lahat para sa kanilang dalawa? Ano ang mangyayari sa isang daang araw sa buhay ni Daisy? Matatanggap kaya ni Cael na mawala ito sa kaniya o, ipaglalaban na silang dalawa ay nakatadhana sa isa't isa.