Candy's POV "Nasaan tayo?" tanong ko kay Kyle nang dire-diretso niyang pinasok ang kaniyang kotse sa loob ng malaking gate. Napatingala ako at nasa harapan kami ngayon ng malaking bahay. "We are at my parents' house." sagot niya. Nakatingala pa rin ako habang pinagmamasdan ko ang labas ng bahay. May fountain sa harapan nito. Ako na ang nagkusang magbukas ng pinto ng kotse niya. Dinala niya ako rito pagkatapos ng nangyaring yakapan sa loob ng kinaroroonan kong sasakyan kanina habang nasusunog ang bahay niya. Iniwan namin ang bahay niya ng unti-unti ng nawawala ang apoy. Ibinilin niya muna ang kaniyang bahay sa pinagkakatiwalaan niya. Hindi kami puwedeng tumira doon dahil medyo mabaho pa. Amoy sunog at ayaw ni Kyle na tumira kami doon. Ipapaayos niya raw muna iyon bago kami bumalik sa