Third Person's POV "Candy!" tawag ng Mommy ni Candy mula sa labas ng kaniyang kwarto. Natulala na yata siya sa harapan ng salamin. Wala siyang balak na lumabas dahil nasa labas ang kaniyang best friend. Si Kyle naman ay hindi pa niya nakikita simula ng maghiwalay silang dalawa ng landas. "Mom..." sagot niya nang mahimasmasan sa malalim na pag-iisip. Muli niyang sinulyapan ang sarili sa salamin tsaka huminga ng malalim. Pumasok na ng tuluyan ang Mommy niya. Nadatnan siya nitong hindi mapakali sa kinauupuan. "Anak, bakit balisa ka? Kanina ko pa napapansin 'yan sa' yo." puna nito. Muli ay bumuga siya ng hangin. "Ayos lang ako, Mommy. Kinakabahan lang ako." "Is there something bothering you? My daughter Candy has never been nervous about anything. Ngayon pa lang kita nakitang ganiyan. I