Candy's POV
KANINA pa 'ko naghihintay rito kay Karen, kasamahan ko sa modeling industry. Sa rami ng kasamahan ko, siya lang ang naging close ko. Karamihan kasi sa kasamahan ko ay mga hindi mapagkatiwalaan. Kakausapin ka, ngunit kapag nakatalikod ka, ikaw na rin ang kanilang topic.
Alam ko naman na pinagpipyestahan nila ang mga scandal kong larawan. Pinagtatawan nila kahit hindi nila alam ang kwento.
Mabuti na lang hinatid ako ng asawa ko. I mean... ng lalaking pinakasalan ko. Pareho lang naman 'yon.
Nagbangayan pa nga kami kanina bago ako makababa sa kotse niya. Nagbihis muna nga ako sa rest room dahil naka-white formal dress pa ako ng simple lang naman. Plain white tube at hapit na hapit sa aking katawan.
"Huwag na sana ito makarating kay Mommy at Daddy." bilin ko sa kaniya bago ako bumaba ng kotse. Hindi siya nagsalita pero siguro naman hindi niya ako isusumbong.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Nagpakasal kami pero hindi namin alam ang aming kaniya-kaniyang pangalan.
Sa wakas, nakita ko na rin si Karen naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Akala ko puputi mga mata ko sa kahihintay sa kaniya.
"Kanina ka pa ba?" Umupo ito sa tabi ko. Nasa bar couter kami.
"Obvious ba?"
"Paano ka nakatakas sa bahay niyo? Ay! Oo nga pala... nabalitaan kong ikinasal ka na raw. Kanino ka ikinasal? Kay Christopher ba?" tinusok niya ang tagiliran ko.
"Sa tingin mo magpapakasal pa 'ko sa kaniya pagkatapos ng ginawa niya? Sinira niya buhay ko."
"Kanino nga?"
"Basta. Ayaw ko siyang pag-usapan sa ngayon."
"Gwapo ba? Sa susunod ipakilala mo' ko ah."
"Oo na, sa susunod ipakikilala kita."
"Nag-honeymoon na ba kayo?"
"Ayaw ko pag-usapan yang honeymoon. Alam mo bang ikinasal kami kanina. Dapat honeymoon namin ngayon pero nandito ako. Ayaw ko rin naman makasama ang lalaking 'yon. Kung alam mo lang, masyadong matinik sa babae ang lalaking' yon."
"So, gwapo nga? Malaki ba?"
Sinamaan ko kaagad ng tingin si Karen dahil sa tanong niya.
"I mean..." hindi ito natuloy sa pagsasalita ng matawa na lang ito.
"Ako 'wag mo pinagloloko, Karen. Well, malaki." biro ko na mas lalo pa nagpatawa sa kaniya.
"Kung gano' n hindi na masama. Kung malaki naman ang b*rat gora ka na."
"Ano? Ang bastos mo. Anong pinagsasabi mong b*rat? Sinasabi ko lang malaki ulo ng lalaking 'yon." paliwanag ko.
"Mukhang dalawa meaning ng ulo na sinasabi mo? Alin ba sa dalawa? Yung sa ibaba o yung sa itaas?"
Sinamaan kong muli ng tingin si Karen. "Ewan ko sa' yo. Ibig kong sabihin... lumalaki ang ulo niya dahil akala niya, siya na pinakagwapong lalaki dito sa mundo. Kahit saang sulok na lang yata may babae ang lalaking 'yon."
"Paano mo nalaman?" naging interesado tuloy si Karen sa nasabi ko. "Ano bang pangalan ng lalaking' yon? Baka naman kilala ko."
"Hindi mo siya kilala, I'm sure." nakangusong sabi ko.
"Sabi mo 'yan ah."
Nagsimula na rin kaming um-order sa bartender. Mas pinili ko ang cosmopolitan at tequila sunrise naman kay Karen.
Mag-iisang oras na kami sa bar nang maisipan na namin umuwi. Medyo natamaan na rin ako. Lalo na ng tumayo ako ay mas lalo akong nahilo. Mas nakakahilo pala kapag biglaang tumayo.
Nagtawanan kaming dalawa ni Karen. "Don't tell me, 'di na natin kayang umuwi?" natatawang sabi ni Karen. Alam ko pa ginagawa ko at alam ko pa nangyayari sa paligid ko. Kaya alam ko pa naman siguro umuwi.
Pero hindi ako puweding umuwi sa bahay. Ang alam ng pamilya ko, nag-honeymoon kami ngayon ng asawa ko pero ang hindi nila alam, Nandito ako sa bar at naglalasing.
"Hindi ako puweding umuwi. Baka puweding sa condo mo na lang muna ako tumuloy."
"Naku! Hindi ka puwedi ro'n. Maliit lang yung condo ko at naroon lahat ng pamilya ko. Baka hindi mo kayanin ang kasikipan ng condo ko."
"Huwag na nga. Ayaw mo lang akong patulugin sa condo mo. Sa hotel na lang ako matutulog."
"Naku, sorry, Candy ah. Alam mo naman two rooms lang yung condo ko. Katabi ko dalawang kapatid kong babae, sa kabilang kwarto naman ay ang magulang ko... meron pa ngang natutulog sa living area eh! Alam mo naman hindi ako kasing yaman mo noh. Mahirap lang kami. Hindi ko nga alam kung bakit lumuwas ng Manila ang pamilya ko."
" Ayos lang. Sa hotel na lang ako matutulog. May pera naman ako pambayad ng hotel. "
Hinatid ako ni Karen sa hotel. Wala akong dala na kotse kaya siya na naghatid sakin.
Pagdating sa loob ng room ko ay kaagad kong itinapon ang sarili sa malambot na kama.
Dahil sa umiikot na paningin ay nakatulog kaagad ako.
Nabulabog ako ng mga katok mula sa pintuan.
Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na hinanap ang aking cellphone para tingnan ang oras. Alas otso na pala ng umaga.
Inayos ko ang sarili para buksan ang pintuan.
"Room service po, ma'am."
Tamang-tama naman na nakaramdam ako ng pagkagutom. Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok ito. Pumasok ang lalaki habang hila ang food trolley cart.
Pagkatapos inilapag ang pagkain sa bakanteng table ay lumabas rin naman kaagad ito.
Kumain muna ako bago naligo at nag-ayos ng sarili. Hindi rin naman ako magtatagal sa hotel na ito. Kailangan ko ng umuwi at doon na lang matulog maghapon sa bahay.
Palabas na ako at dumaan sa hotel front desk para magbayad.
Wala pala akong cash kaya ibinigay ko rito ang aking ATM.
"Ma'am, meron pa po ba kayong ibang card? Wala po kasing laman yung ATM niyo." sabi sa akin ng babaeng naka-assign sa front desk.
"What? Paanong wala? Pakiulit."
Inulit niya iyon pero gano'n pa din ang sinabi niya. Wala itong laman. Paano nangyari? Binigay ni Dad sa akin ang ATM na 'yan at iyan ang palagi kong ginagamit kapag wala akong cash.
Wala akong choice kundi gamitin pa ang isa kong ATM.
"Try mo na lang itong isa." Ibinalik niya sakin ang ATM ko. Ngunit gano' n pa rin ang sinabi niya.
"Wala pa rin po, Ma'am."
"Ano?"
Napakamot ako ng ulo. Paano 'to? Last chance. Credit card ko ang ibinigay sa kaniya. Ngunit napakamot na lang ang babae pagkatapos niya na swipe ang card.
"Pasensya na, Ma' am, wala pa rin po."
Anong nangyari? Bakit lahat wala?
Paano ako magbabayad kung wala naman akong cash na hawak. Sunod-sunod akong napakamot sa aking batok. Anong gagawin ko? Hindi naman puweding utangin ko ito.
"Ma'am, baka po meron kayong cash."
"Wala akong cash."
"Paano po ito, Ma'am?"
"Wait..."
Naalala kong tawagan si Daddy. "Tatawag lang ako. Hindi ako aalis. Hindi ko tatakbuhan yan. 'Wag ka mag-alala."
Umalis ako sa front desk. Lumayo ako ng kaunti para tawagan si Dad. Ilang minuto lang ay sumagot ito.
"Dad, anong nangyari sa mga cards ko? Bakit lahat walang mga laman?"
"I told you, honey... kapag nalaman kong bumabalik ka na naman sa dating gawain mo. Kukunin ko sa iyo ang lahat. Now, face your punishment."
"Dad! Paano ako magbabayad sa hotel kung wala akong pera?"
"Diskarte mo na ang pairalin mo sa pagkakataong ito, Candy. Nalaman kong iniwan mo ang asawa mo sa gitna ng inyong honeymoon para lang makipag-inuman sa kaibigan mo. Paano kung mauulit muli ang nangyari noon sa 'yo? Another problem na naman ang haharapin ko. Mabuti na' yan, maging lesson sa iyo 'yan. "
" Dad naman! So, yung Kyle ba na yun ang nagsumbong sa inyo? "
" Huwag mong isisi kay Kyle ito. Hindi siya ang nagsumbong sakin. Nakalimutan mo na bang marami akong mata ngayon pagdating sa' yo? "
" Dad naman! Please naman oh! Ngayon lang please... wala akong pambayad sa hotel. Please Dad. Ibalik mo na yung laman ng ATM ko. Huwag mo naman i-close lahat ng account ko " Pakiusap ko.
"No. Hindi na magbabago ang desisyon ko. Puputulin ko lahat kung ano ang ibinigay ko sa 'yo. Sa pagkakataong ito, paghirapan mo ang pera na aaksayahin mo."
"Daddy!"
Narinig ko ang pagputol nito sa tawag ko "Daddy!" sunod - sunod na tawag ko sa kaniya ngunit wala na siya sa kabilang linya.
Paano na' to?
Bumalik ako sa front desk. Napakamot ako ng ulo.
"Ma'am ano po ang balita?"
"Sorry, w-wala akong pambayad."
"Paano po ito, Ma'am?"
"Puwede bang mamaya ko na lang babayaran?"
"Hindi po puwede ma'am."
Nang sabihin niya iyon ay isa na lang ang nasa isip kong paraan. Ang tumakbo palabas ng hotel na ito. Nagbilang ako tsaka ako tumakbo. Narinig ko ang pagtawag ng babae sakin. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang naroon ang guard.
Natigilan ako kaya nahuli nila ako. Syete! Panibagong eskandalo na naman 'to, Candy.
Sa presinto tuloy ang bagsak ko. Buti na lang dumating si Mommy at tinubos niya ako.
"Ano ba nangyayari sa' yo, Candy? Ang buong akala ko nagsasaya kayo ngayon ng asawa mo? Malalaman ko na lang nasa presinto ka na." sermon ni Mommy sakin habang nagmamaneho ito.
"Sorry, Mom."
"Kapag nalaman ng Daddy mo ang ginawa mo, hindi ko lang alam kung ano ang gagawin niya."
"Mommy, please help me. Kung puwede huwag na natin ito sabihin kay Dad."
Napailing si Mommy. "I don't know. Malabong hindi niya ito malalaman."
Habang papalapit kami sa bahay ay mas lalo akong kinabahan. Hanggang sa makarating kami.
Nanlaki ang mga mata ko ng bumaba ako sa kotse ni Mommy ay nasilayan ko si Dad. Umiigting ang panga nitong nakatingin sa akin.
Alam niya na siguro ang nangyari.
Nilapitan ko si Mommy para may magtatanggol sakin kung sakali man magalit ulit sakin si Dad.
"Candy Serapina!" sigaw ni Dad. Ito na nga. Mas lalo akong kinabahan ng marinig ang dumagundong niyang boses.
"Hindi ka puwedeng pumasok sa pamamahay na ito hangga't hindi ka tumitino!"
A-ano? Hindi ako puwedeng pumasok. Mas humigpit ang yakap ko sa braso ni Mommy.
"Mom, help me."
"Ivy, iwan mo ang anak mo at pumasok ka rito!" bilin ni Dad.
"Mommy." nagkatinginan kami ni Mom. Tinapik niya ang balikat ko.
"I'll talk to your Dad." hinarap ni Mommy si Dad.
"Kysler, kahit na ano pa ginawa ni Candy hindi mo siya puweding palayasin." paliwanag ni Mommy.
"Pumasok ka rito, Ivy. Malaki na yang anak mo. She already knows what's right or wrong. Nakagawa siya ng mali kaya tanggapin niya ang bunga ng mga pagkakamali niya." sagot ni Dad.
"No! Kung ayaw mong papasukin ang anak natin. Hindi rin ako papasok!" pakipagbangayan ni Mommy. Mag-aaway sila ng dahil sakin. Siguro ako na lang ang aalis.
"Aalis na ako, Dad. I know, may kasalanan ako kaya dapat kong harapin ang parusa mo." sigaw ko kay Dad.
Humarap sakin si Mom. "Saan ka pupunta?" nag aalalang tanong niya sakin.
"Kahit po saan, Mom."
"Puntahan mo na lang ang asawa mo. Siguro matutulungan ka niya."
"Hindi ko alam kung saan siya nakatira." sagot ko. Wala naman akong balak na puntahan ang lalaking 'yon. Sinagot ko lang' yon dahil wala akong naisip pa na sagot.
Lumapit pa sakin si Mommy. Kinuha niya ang kaniyang phone mula sa bag at ipinakita sakin.
"Puntahan mo ang address na 'to. Ito ang bahay ng asawa mo."
"A-alam niyo ang bahay niya?"
"Oo, naman. Nakapasok na rin kami do' n ng Daddy mo. Minsan na kaming bumisita sa bahay ni Kyle. Bago kasi namin napagdesisyunan na ipakasal ka sa lalaking iyon ay kinilala muna namin si Kyle at inalam ang buhay niya."
Siguro alam na rin nilang mahilig sa babae ang lalaking iyon. Pero kung alam na nila ang tungkol do'n. Siguro naman hindi nila ako ipapakasal sa lalaking 'yon. Kaya siguradong magaling magtago ng sekreto ang Kyle na' yon.
——
Thurd Person's POV
HABANG PAPASOK SA LOOB NG KWARTO si Kyle at ang babaeng dinala niya sa bahay niya ay hindi mapigtas ang paghahalikan nilang dalawa. Kinandong ni Kyle sa kaniyang bewang ang babae habang hinuhubaran ito ng damit.
Pareho silang nakapikit habang patuloy na naghahalikan.
Dinala niya ito sa kama at itinulak para mapahiga. Tanging bra at ang suot na maiksing palda na lang ang suot ng babae.
"Come on, Darren..." gamit ang nakakaakit na boses ng babae.
Naghubad ng business suit si Kyle sa harapan nito at itinapon lang iyon sa kung saan. Hanggang sa natira na lang ay tanging boxer nito at ang panloob na saplot.
Pinaghiwalay naman ng babae ang sariling mga hita. Handa na sa pagsugod niya.
Susunggaban niya na sana muli ng halik ang babae sa dibdib nito ng matigilan dahil sa palakpak na narinig mula sa kaniyang likuran.
Kuryuso niyang nilingon ang kaniyang likuran at ang hindi niya inaasahan ay ang babaeng kaniyang pinakasalan ang makikita niya sa loob ng kaniyang kwarto.
"Paano nangyari 'to? Paano siya nakapasok sa bahay ko?" tanong ng kaniyang isip.
"Ganito mo ba salubungin ang asawa mo? Hindi naman ako nakapaghanda na ganito pala ang makikita ko. Kissing with another woman is a crime, my husband." sarkastikang sabi ng babaeng pinakasalan niya.
"Darren? Totoo ba ang sinasabi niya? Asawa mo ang babaeng 'yan?" nakataas ang mga kilay na sabi ng babaeng kahalikan niya.
"Hindi ka ba naniniwala? Do you want proof? I will show you." Kinuha nito ang cellphone at lumapit sa kanila para ipakita ito sa babaeng dinala niya rito sa bahay niya.
"Para sabihin ko sa 'yo, hindi Darren ang pangalan ng asawa ko kundi Kyle. K. Y. L. E... KYLE." inisa isa pa nito ang spelling ng pangalan niya.
Kumunot ang kaniyang noo at sinamaan ng tingin si Candy.
"Nang-aasar ka ba? Darren ang pangalan niya. Darren ang sinabi niya sakin." pakikipagbangayan ng babaeng kahalikan ni Kyle kanina.
Sarkastikang tumawa si Candy. Naalala ni Kyle na Candy ang pangalan nito at kalat ang scandal na litrato nito. Kagabi niya lang nalaman na ang babaeng pinakasalan niya pala ay nahaharap sa kahihiyang scandal.
Candy's POV
TALAGANG hanggang dito ay makikita kong may kahalikan siyang ibang babae. Hindi ba nagsasawa ang lalaking ito? Or sakit niya na talagang kahit sino-sino na lang na babae ang inaangkin.
"What are you doing here? How did you get into my house?" tanong ng lalaking ito sakin. Nakakunot ang kaniyang noo.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip ay sa babae niya ako nakatingin.
"Aalis ka ba o kakaladkarin kita palabas sa bahay na ito?" pananakot ko. Kahit wala naman akong pakialam kahit mag-s*x pa sila dito. Gusto ko lang takutin ang babaeng 'to.
Unti-unting pinulot ng babae ang mga saplot at sinuot ito. Inis niya akong binalingan tsaka naglakad ito palabas ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwag.
"Anong karapatan mo para palabasin ang babaeng dinala ko rito sa pamamahay ko? Well, prepare yourself 'cause you're the replacement for that woman. Hope you are better than her."
Natigilan ako sa sinabi nito at na estatwa na sa kinatatayuan ko. Nakalimutan kong babaero nga pala ang lalaking ito at kahit sino na lang ay kinakama niya kapag ginusto niya.
Iniwan niya ako at nagtungo kung saang sulok ng kwarto niya.