"Marilag ano bang ginagawa mo diyan baka mahulog ka. Bakit ba kasi kailangan mo pang umakyat diyan pwede namang dito ka na lamang. Madulas ang mga bato diyan bumaba ka na dito dahil kakain na tayong dalawa tanghali na rin oh," pangungumbinsi niya dito na bumaba mula sa kinaaakyatan nitong puno. Paano ba naman pumunta ito sa kanyang taniman at umakyat sa isang puno doon na matayog at malaki ang katawan. Dumaan pa ito sa malalaking batohan sa sapa na madulas. Hirap na hirap nga itong umakyat doon dati pero ngayon parang napakadali na lamang dito akyatin dahil sa naiinis ito sa kanya. Natatawa na napapailing na lamang siya dahil kapag pinapaakyat niya ito ng papaya, halimbawang may ginagawa siya hindi ito maka-akyat o kaya kahit na anong prutas na pinapaakyat niya dito. Masyado itong mahina