"Napaka-haba na ng buhok mo Marilag putulan na rin kaya natin katulad nitong buhok ko. Iyon nga lang nga lang lampas balikat pa rin, pero mas okay nga ito kaysa doon sa lampas bewang na buhok ko. Hindi na ako masyadong nahihirapan sa paglilinis ng buhok? Ikaw? Hindi ka ba nahihirapan diyan?Abot na sa hita mo iyang haba ng buhok mo. Napakatagal na kasi mula ng huli natin putulan iyan. Dapat patulan na lamang natin kasi hahaba din naman ulit yan eh. Tsaka para hindi ka na mahirapan sa paglilinis niyang buhok mo.Ubos na nga rin pala ang gugo natin, sabagay kukuha na lamang ako ng bunga ng katmon para dumulas at malinisan mo ng maayos ang buhok mo. Hayaan mo mamaya tutulungan siya wala na rin naman akong gagawin." mahabang wika niya kay Marilag, parang wala na kasi itong balak na putulan ang