HSA 2

1354 Words
16 years ago Napahiyaw sa sakit at natumba ang lalaking sinipa ni Ryder sa tadyang. Nagkayayaan ang dalawang g**g sa likod ng highschool building ng eskwelahan ni Ryder. Ang kalaban nila ay bugbog sarado at halos hindi na makatayo. Ang g**g ni Ryder ang panalo. "Naku naman. Kayo pa nagyaya samin pero wala naman pala kayong binat-bat. Hindi ba kayo nag-agahan bago pumunta dito?" Sabi ni Ryder sa kanila. "Hi-hindi pa ta-tayo tapos! Sa ak-akala mo tinalo mo kami ngayon ka-kayo na ang malakas?! Mga bobo---AAH!" Napahiyaw na naman ang lalaki dahil sinipa nito ng kasama niya sa g**g. Si Tony. "Wag mong pagsalitaan si bossing ng ganyan kundi mukha mo na sisipain ko!" Sabi ni tony sa kalaban nila. "Chill lang Ton-ton. Puro banta lang ang alam ng mga iyan. Tara na. Alis na tayo malapit na naman mag-bell. At kayo jan! Umalis na kayo sa skwelahan namin kun ayaw niyo isusumbong ko sa principal ninyo na nandito kayo." Banta ni Ryder sa kanila. Tumayo na ang mga at nagsimula na umalis. Lumingon ang leader nito. "Hindi pa tayo tapos! Sisiguraduhin ko sa susunod wasak na iyang mga mukha ninyo! Tandaan niyo yaaaan!!" Hindi na pinansin ni Ryder ang pinagsasabi ng lalaki at patuloy lang sila naglakad. Von Leonard Valdemoré 17 years old, 4th year highschool student and leader of a g**g. Isa sa maimpluwensya sa larangan ng business at alahas ang kanyang pamilya. Bilang ang nagiisang anak ang nasa paningin ng ibang tao nasa lahat na niya ang luho at karangyaan sa buhay pati din sa mga kalokohan. Gaya nito. Naging isa pa siyang leader ng isang g**g. Pero hindi alam ng iba na iba ang kanyang grupo. Hindi sila nakikipagaway...well napapasok parin sa g**o dahil marami ang gustong makipagtuos sa kanila. Iba ang prinsipyo nila. Nagbabantay sila sa campus kung meron man magcu-cutting classes, magtatangkang umalis ng eskwelahan sa oras ng klase, umaawat sa mga away at nagbabantay ng kalinisan sa lugar. Hindi na lang nila sinasabi sa labas ng eskwelahan na ganito ang kanilang g**g dahil wala naman maniniwala sa kanila. Dahil din sa paulit-ulit nalang na g**o na pinasukan niya, tinagurian na siyang bad boy ng ibang tao. Dahil na rin sa nagiisang anak lang siya at lahat ng atensyon ay nasa kanya. Hindi rin siya maki-kick out sa school request na rin ng ibang principal ng eskweahan dahil isa sa mga investor ay ang kanyang ama. He is not so brat at all. He just want to be cool and strong. Dahil sa pagpanaw ng kanyang ina dahil sa aksidente, silang dalwa nlang ng kanyang ama ang magkasama. Pero dahil na rin sa trabaho nito hindi sila masyadong nagbobonding na magkasama. Kaya para makabawi ang ama nito sa kanya. Isang beses sa isang linggo sila nag-uusap sa skype para magusap sila at magkamustahan. Hindi siya galit sa kanyang ama dahil sa palaging busy ito sa trabaho. Naiintindihan naman niya ito kahit papano dahil mahirap din ang trabaho nito kahit mayaman na sila. May reputasyon din pinapangalagaan ang kanyang ama. Kaya kinakaya niya na maging independent. Nag-aral din siya pano mag self defense. Dahil sa larangan ng jewelry ang kanyang ama ay maraming gusto paginteresan siya gaya ng kidnapin o patayin. His father wants to give him a bodyguard pero tumanggi siya. Hindi naman niya pinapalandakan ang sarili niya na anak mayaman siya. **************************** Palakad na sila patungo sa kanilang silid. Hindi na pinansin ni Ryder ang mga estudyanteng babae na tinignan siya. Ilan sa kanila ay spoiled brat at masyadong makakapal ang nilalagay na make-up sa kanilang mukha. Wala siya sa mood para mag-intertain ng ibang tao. Nasa loob na sila ng classroom at nag-aantay nalang na dumating ang teacher. Naguusap sila Ryder kasama ng kaklase at membro ng g**g na sila Tony at Oyo. "Hahaha yung mga mukha nila parang sinampal ng kanilang jowa. Ang kakapal ng mga mukha nila!" Proud na sabi ni Tony. "Ayan kasi nagyaya pa na dito sa school natin magtutuos. Akala naman nila uubra yang mga panakot nila satin." -Oyo "Siyempre hindi no! Mas malakas pa tayo sa kanila. Bossing!" Tawag ni Tony sa kanya. "Bossing ka jan. Wag mo kong tatawagin yan pag andito tayo sa classroom." Sermon niya rito. "Pero gusto ko bossing! Tignan mo nga, dahil sayo kokonti na lang ang gustong labanan tayo." -Tony "Ano ka ba Ton-Ton, alam mo naman hindi yan ang ugali ng g**g natin. Iba kaya tayo. Sila ang humahamon dahil pumapatol itong 'bossing' mo sa mga away."- Oyo "Siyempre siniraan tayo e kaya gaganti tayo at---" -Tony "Pwede bang sa iba ka umupo. Upuan ka yan." Biglang natahimik si Tony at nagulat sila ng may biglang nagsalita sa harap nila. "So-sorry. Tatayo na ako. U-upo ka na." Sabi ni Tony na may halong takot sa boses nito. One of their classmates. Short hair with bangs na halos di na makita ang mga mata nito. Naka-eyeglasses din ito at kahit mainit ang panahon laging naka long sleeves ang uniform nito. Michelle Sandoval. Their whats called "NERDY GIRL" classmate. Hindi naman masama na iba ang hilig ng mga tao pero hindi niya type itong nerd classmate niya. Hindi rin ito kumakausap sa iba pa nilang classmates in short antisocial. Magaling ito sa academics at laging top1 sa lahat ng exams. Pero baliktad naman sa non-academics at physical activities. Mahina ito at laging nahihilo pag mainit ang panahon. Akalain mo yun, napapansin pala niya ito kahit papano? Binulungan siya ni Tony. "Nakakatakot talaga yan c Nerdy no? Parang may espirito na nakasunod sa kanya. Hiiiieèee mga balahibo ko tumataas!" "Tumigil ka nga." Sita ni Ryder nito. Dumating na ang teaher nila at nagsimula na sila sa kanilang klase. ***************************** Halos gabi na ng matapos ang basketball practice ni Ryder. Nasa locker room na siya at nagbihis ng damit at iniayos na ang kanyang mga gamit. Sa corridor siya at habang naglalakad may narinig siyang kumalabog at nagsasalita. Sa kuryosidad niya ay pinuntahan niya kung nasaan nanggaling yun. Nakita niya ang isang babae na nakaupo sa sahig habang pinapalo ng notebook ng isa pang babae. "You poor kid, nerdy b***h. Pag hindi mo gagawin itong homework ko magsisisi ka. You hear me nerdy?" Banta ng babae may hawak ng notebook. "And we make sure na mas mapapahiya ka pa dito sa campus. So do what we want you got that b***h?" Sabi naman ng kasama nitong babae. Girls these days are brats. Pati pa naman trabaho nila pinapagawa pa sa iba. This is harsh kaya hindi na siya nakapagpigil at lumapit na siya sa kanila. "Hey you two! Anong ginagawa niyo sa kanya?" Sigaw niya rito. Nagulat ang dalawa ng makita siya. Dali-daling nagsialisan ang mga ito. "Haayyysss ang mga babae nga naman." -Ryder Nilingon niya ang babae at siya rin ay nagulat. Si Nerdy---este si Michelle pala ito. Nililigpit na nito ang mga libro at mga papel na nagkalat. Tinulungan rin ito ni Ryder. Wala siyang magagawa baka sabihin pa nito na hindi siya gentleman. Sa di kalayuan nakita ni Ryder ang isang salaman. He bet na kay Michelle yun. Hindi man kita ang mga mata nito dahil sa bangs halata naman na wala itong suot na salamin. Tumayo siya at tinungo kung saan ang salamin nito. Pagbalik niya ay nakatayo na ito at isinara ang bag. Ibinigay niya ang salamin nito. "Here's your glasses." Nakatayo lang ito sa kanya...at hindi nag-salita o gumalaw man lang. Ano ba... nangangawit na ang kamay ko. Kukunin mo ba o hindi? Kinuha na nito ang salamin. Ibinulsa lang nito at sabi... "Hindi ka na sana nangialam" Ano? "It's none of you business. Wag kang pakialamero." At lumakad na. Napabuntong hingina siya ng pagkalakas lakas. Ano? So ito pa ang may ganang magalit e iniligas na nga ito? "Ibang klase... dapat nagpasalamat kapa sakin ah! Buti nga may malasakit pa ako kahit papano!" Hindi na niya mapigilan magsalita dahil sa gulat at galit kahit siya nalang ang nakikinig. "Damned this girl. She's getting on my nerves!" End of Chapter 2 Kindly follow my Dreame Account:  leexhian Thank you so much for your support! See you on the next chapter. CHUAMNIDAH!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD