"PARANG inaantok ka pa, Katie." Natigilan ko ang ginagawang paghikab dahil sa biglang pagsulpot ni Maya sa harapan ko. Hilaw akong ngumiti sa kanya. "Hindi naman." Nabakasan ng pagtataka ang mukha niya. Naging matagal din ang titig niya sa mukha ko na tila pinag-aaralan ako. "Maaga naman tayong nagpahinga kagabi, pero parang mukha kang kulang sa tulog. Ilang araw ka nang ganyan. Nagpupuyat ka ba?" Mabilis akong umiling para itanggi 'yon. "Hindi, 'no! Wala naman akong pagpupuyatan." Napakibit-balikat na lang siya. "O siya, iwanan na kita rito. Magma-mop na ako sa labas. Ikaw naman, magdilig na sa hardin." "Sige." Tila nakahinga na ako nang maluwag nang makitang naglalakad na palayo sa akin si Maya. Hindi ko maintindihan ang sarili. Napansin lang naman ni Maya ang pagiging antok ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books