Chapter 15 - Seduce

2213 Words

"MAKE me a coffee," utos ni Khai habang dere-deretsong naglalakad patungo sa lamesa at umukupa roon ng bangko. Nagkatingin kami ni Sonya na siyang kasama ko rito sa kusina. Mukhang hindi lang ako ang nakapansin ng pagiging bad mood ng amo namin. Ang aga-aga ay magkasalubong agad ang kilay nito. Bago pa man mapagpasahan ng init ng ulo niya, pinagtimplahan ko na siya ng kape at dinala sa kanya. "May iba ka pa bang gusto bukod sa kape, Sir Khai?" Mabilis siyang umiling sa tanong ko habang nakatutok pa rin sa phone niya ang atensiyon niya. Kung titingnan siya ngayon, tila sa bagay na 'yon nagmumula ang init ng ulo niya. Iniwanan ko na siya sa lamesa at muling nagtungo sa counter kung nasaan si Sonya. Abala siya sa paghuhugas ng mga gulay na siyang iluluto namin mamaya para sa tanghalian.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD