27

1071 Words
Chapter 27 3rd Person's POV Nakahinga ng maluwang sina Wax at Chloe after mag-announce ang student council president na pwede na nila i-enjoy ang gabi na iyon para pumunta sa mga booth at mag-change ng costume nila. Nagkasiyahan ang lahat at nagkanya-kanya ng punta sa booth after ng ilang pagpe-perform. "Salamat sa inyong dalawa kung wala kayo hindi ko na alam kung paano ko iha-handle ang event na ito," natutuwa na sambit ng student council president nila kina Wax at Chloe na parehong natatawa mukha kasing stressed na stressed na ang student council president. "Ayos lang iyon president atleast mukhang nag-enjoy naman ang lahat kahit talagang nakakapagod ang p**o-organize at preparation," ani ni Chloe bago napatingin sa pinto nang may mahinang kumatok doon. Nakabukas ang pinto at sumilip si Ken na pangiti-ngiti lang. "Mukhang tapos na kayo. Pwede ko na ba makuha ang girlfriend ko?" ani ni Ken na kinatawa ng president. "Alis na, mukhang kanina ka pa hinihintay ng lovey dovey mo Chloe," ani ng president na kinangiti ni Chloe ng malapad na parang proud pa. "Wax, sama ka sa amin?" tanong ni Chloe kay Wax na kinatingin ng binata. "Nope, medyo pagod pa ako tiyaka date niyo iyan gagawin niyo pa akong third wheel," natatawa na sagot ni Wax na kinangiwi ni Chloe. "Hindi ka namin pwede iwan dito Wax lalo na wala si Apollo. I-enjoy mo pa din ang event na ito kahit wala kang ka-date," biro ni Ken na hindi alam ni Wax kung nangi-insulto ba ito o ano. "Gaga! Umalis na nga kayo, papahinga lang ako. Kapag trip ko susunod ako at hahanapin kayo," ani ni Wax—ngumuso si Chloe at binigyan lang ng yakap si Wax. "Susunod ka ah," ani ni Chloe. Ngumiti lang si Wax pagkatapos magpaalam ng dalawa umalis na ang mga ito. Umupo naman si Wax sa bakanteng upuan sa loob ng isang classroom na nasa likod lang ng backstage para magpahinga. "Ikaw president? Wala kang ka-date?" tanong ni Wax sa binata na mahinang natawa. "Meron, hindi ko lang alam kung nasaan lang ang babaeng iyon ngayon," sagot ng binata habang hawak ang phone. "Shoot, nag-text na. Maiwan na kita dito," ani ng student council president matapos itaas ang phone niya. Ngumiti lang si Wax at kumaway. Palabas na ang student council president nang may sumulpot sa pintuan na kinatigil ng dalawa. May suot itong face mask at base sa porma nito nakilala agad siya ni Wax. "Apollo? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Wax matapos magtitigan ang SC president at si Apollo. Hindi alam ni Wax kung imagination niya lang pero parang may imaginary black aura siya nakita matapos magkaharap ang dalawa. Nilampasan ni Apollo ang SC president. Napalingon sandali ang binata kay Apollo bago tuluyang lumabas at umalis ng kwarto. "Hindi ba masyadong delikado kung magpagala-gala ka dito Apollo," ani ni Wax. Tinanggal ng binata ang suot na face mask at humila ng upuan. Umupo si Apollo sa harap ng binata. "Gabi na at may suot naman ako na face mask," sagot ni Apollo bago tiningnan si Wax na pawisan. Aabutin ni Apollo ang pisngi ni Wax nang tumikhim si Wax at tumingin sa ibang direksyon. Natawa si Apollo at binawi ang kamay. Umayos ng upo si Apollo at nag-cross arm. "Tinatanong kita Apollo kung anong ginagawa mo dito? Madaming estudyante ang dudumugin ka kapag nakita ka," ani ni Wax sa binata na kinatingin ni Apollo. "Gagala tayo kaya ako nandito. Diba sinabi ko na sa iyo na gusto kita i-date," sagot ni Apollo na kinaubo ni Wax. Hindi niya talaga minsan ma-endure ang pagigiging honest ni Apollo. "Nagpapahinga at pagod ako," ani ni Wax bago nilingon si Apollo na kinangiti ng binata. "Buhatin kita?" tanong ni Apollo na kinalaki ng mata ni Wax. "What are you saying?" hindi makapaniwala na tanong ni Wax na kinataas ng gilid ng labi ni Apollo. "Bubuhatin kita para makapagpahinga ka at the same time makapag-date tayong dalawa," sagot ni Apollo na kinasapo ni Wax sa noo. "Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo?" tanong ni Wax habang binubura sa isipan niya ang nagagawa niyang imagination dahil sa sinabi ng binata. "Hindi, bakit ako mahihiya?" "Hindi mo ba iniisip ang sasabihin sa iyo ng ibang tao? Lalaki ako at tingnan mo naman ang tyura ko sa features mo. Pinagtatawanan ka ng maraming tao dahil sa dami ng babae at mga taong nagkakandarapa sa iyo— ako pa binubuntutan mo na parang aso," ani ni Wax bago tingnan si Apollo na umismid lang na parang hindi interesado sa sinasabi ng binata. "You'll have so many reasons na nakikikita Wax para i-reject ako but I'll have a one and only way at nakikita ko lahat ng iyon papunta sa iyo. Katulad ng sinabi ko hindi ako kahit ano pa sabihin mo lalo na at wala naman akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao sa atin." "Apollo, miyembro ka ng TK at sa grupo na iyon lima kayo." Napatigil si Apollo at napatingin kay Wax. Nag-angat ng tingin si Wax at seryoso na tiningnan ang binata. "Habang tumutugtog kayo sa stage, pakiramdam ko hindi ikaw iyong Apollo na kilala ko— iyong parang bata na laging nakabuntot sa akin, nagtatrabaho sa isang fast food chain, mas prefered ang bike kaysa sasakyan, rebeldeng anak ng mga Grimore at isang simpleng estudyante na gumagawa ng mga task, activities at nagkakaroon ng trouble sa mga subject niya." "Doon ko na-realize na lahat ng ito temporary lang kasi ang totoong Apollo nakikita lang sa ibabaw ng stage at natatapatan lagi ng spotlight," ani ni Wax na may pait na ngiti. "Apollo, maliwanag pa sa sikat ng araw ang future na naghihintay sa iyo at sa grupo mo. Lahat ito temporary lang kasi— hindi naman ito ang mundo para sa iyo." "Ako at ang gusto mong relasyon— hindi nararapat sa buhay na dapat meron ka," ani ni Wax habang pinipigilan na maiyak. Hindi niya alam kung pano napunta sa 'ganon ang topic nila pero isa iyon sa katotohanan na dapat harapin nilang dalawa ni Apollo. Kailangan niya iyon linawin kay Apollo dahil sa huli siya lang din ang masasaktan. Ilang beses ma siya nasaktan at naiwan— hindi na siya iyong tipo na basta na lang magpapadala sa nararamdaman. Kailangan niya iyon linawin kay Apollo, kung mag-decide 'man ito na tumigil na tatanggapin niya iyon at maiintindihan. Hindi pa naman huli ang lahat at wala naman siyang dapat panghawakan.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD