Chapter 24
3rd Person's POV
"Walang parents si Wax?" ulit ni Apollo matapos sabihin ni Apollo kay Chloe na tawagan ang pamilya ng binata para i-inform ito na nasa hospital na si Wax.
"4 years old si Wax 'nong namatay ang parents niya. Namatay sa panganganak ang mommy ni Wax 'nong pinapanganak nito ang bunsong kapatid ni Wax. Namatay din ang kapatid ni Wax kasama ang daddy nila sa isang car accident, wala pang 1 year old ang baby."
"What the heck," ani ni Keehan na hindi makapaniwala sa nangyari sa pamilya ni Wax.
"Sino iyong mga tao na may hawak ng company ngayon ng pamilya ni Wax? Ang alam ko may ilang business at company na iniwan ang mag-asawang Frevas," sabat ni Jaxon. Pamilyar siya sa mga taong nasa circle ng business industry since may sarili din siyang company na pinatatakbo sa mura niyang edad.
"Uncle at auntie iyon ni Wax. Wala naman pakialam sa kanya ang pamilyang iyon. Ang mahalaga sa kanila ang yaman na meron si Wax," ani ni Chloe na nakasimangot.
"Ang alam ko pinalayas nila si Wax sa sarili niyang bahay at pinatira sa mansyon na malapit sa university. Binibigyan lang nila ng allowan allowance si Wax then ayon wala na silang pakialam kay Wax," dagdag ng dalaga na kina-pokerface ni Apollo.
"Revolledo, magagawan mo ba iyon ng paraan?" tanong ni Apollo bago tiningnan si Elliseo na kasalukuyang ngumunguya ng bubble gum sa sulok at parang may malalim na iniisip.
"Actually, madami na akong hawak na impormasyon about sa auntie at uncle ni Wax. Aksidente ko iyong nahalungkat since hinahalungkat ko ang backgroud ng lovey dovey mo. Madali ko lang mapapabagsak ang company na iyon kung bibigyan mo ako ng signal," ani ni Elliseo na kinalaki ng mata nina Ken.
"Ayoko madamay ang pagmamay-ari ni Wax. Magagawa mo ba iyon?" tanong ni Apollo. Napatingin si Elliseo kay Jaxon na nagkibit-balikat.
"Nandiyan naman sina Jaxon at Keehan. Magagawa ko iyon," ani ni Elliseo. Napangiwi si Chloe sa idea na alam niya na kung bakit kinakatakutan ng lahat ang TK.
Tiningnan ng dalaga si Wax na kasalukuyan pa din na walang malay. Hinawakan ng dalaga ang kamay ni Wax at palihim na nagdasal na sana magising na si Wax.
—
"Bitawan mo 'yan! Bigay ng mommy ko!" sigaw ni Wax matapos makita na hawak ng pinsan niya ang laruan na binigay ng mommy niya.
"Bakit ko ibibigay sa iyo? Wala na ang mommy mo kaya lahat ng nandito sa amin na ng mommy at daddy ko. Pwede ko kuhanin lahat ng gusto ko," ani ng pinsan ni Wax hawak ang teddy bear na pagmamay-ari ng batang si Wax.
"Kinuha mo na lahat ng toys ko, ibalik mo na 'yan," naiiyak na sambit ni Wax habang pilit ba inabot ang sariling laruan. Binigay iyon ng mommy niya 'nong last birthday niya.
Ngunit imbis ibalik tinulak ito ng pinsan at sinira ang laruan niya sa mismong harapan. Umiyak si Wax at dumating ang parents ng pinsan niya.
Nagsumbong si Wax pero imbis pagalitan ang anak nila ay pinagalitan pa siya.
"Bakit kasi ang damot mo! Nanghihiram lang sa iyo si Leo diba!"
Mas humagulhol si Wax at dahil maingay daw siya pinalo siya ng uncle niya na kinatakip sa bibig ng mga katulong. May mga ibang naglakas ng loob para protektahan siya pero walang awa itong mga tinanggal sa trabaho ng tita niya.
Iyak ng iyak si Wax. Niyakap siya ng ilang katulong na nandoon nang tigilan na siya ng tito niya sa pamamalo.
Naging 'ganon ang routine nila sa mansyon at laging nasasaktan si Wax. Madaming katulong ang sinasabi kay Wax na sumama na lang sa kanila paalis. Aalagaan at palalakihin nila si Wax bilang bayad sa utang na loob sa mag-asawang Frevas ngunit tumanggi ang batang lalaki dahil nandoon ang ala-ala ng pamilya niya— kasama na doon ang pinaghirapan ng mommy at daddy niya.
Para makaiwas sa uncle at auntie niya laging nakatambay ito sa park ng subdivision nila. Maghapon na nandoon si Wax at uuwi lang kapag pagabi na kasama ang ilang katulong.
Ngunit imbis makipaglaro ay nakatambay lang doon si Wax para manood sa mga batang naglalaro habang kumakain. Dahil sa mas nag-focus si Wax sa pagkain— sa edad na pitong taon na gulang lumubo na ang katawan niya. Kapag nai-stressed siya mas lalo siyang lumalakas kumain af hindi naalis doon ang habit ni Wax.
Kinabukasan, pagdating ni Wax sa park kinaumagahan may napakagandang dalagita siya nakita. Sa paningin ni Wax nasa 10 or 11 years old lang ito. Nakita niya na nakapatong ito sa isa sa mga batang lalaki na mukhang kasing edaran niya lang din at sinasabunutan ito sa buhok.
Nagtama ang mata nila. Kumunot ang noo ng dalagita at sinamaan ng tingin si Wax.
"Anong tinitingin-tingin mo! Gusto mo ng away!" asik ng babae na kinangiwi ni Wax. Hinawakan si Wax ng katulong at inaya na ito papunta sa favorite spot niya sa park.
Nilingon ulit ni Wax ang babae pero agad din ito umiwas nang makita na sinusundan siya ng tingin ng babae.
Pumunta sila sa swing na nasa pinakasulok ng park. Binuksan ni Wax ang dala niyang junk food at sinimulang kumain matapos umupo sa swing.
Simula ng dumating ang babae sa park lagi na nagkakagulo doon at madaming katulong or parents ang nagrereklamo dahil sa attitude ng batang babae.
Tiningnan ni Wax ang apat na lalaking naka-body guard uniform na nakatayo sa kabilang bahagi ng park. Araw-araw din ito nandoon at sa isip ni Wax bantay din ito ng batang babae.
Madaming lumalapit sa kanila para patigilin ang batang babae pero iniismiran lang ito ng apat na body guard.
Sandaling nagpaalam ang mga katulong na kasama ni Wax dahil sa biglang pagpapatawag sa kanila sa mansyon. Tumango lang si Wax at pinagpatuloy ang pagkain.
Maya-maya may apat na batang lalaki ang lumapit sa kanya at biglang inagaw ang kinakain niya.
"Hoy! Bakit mo sino-solo ang swing ha!" maangas na tanong ng batang lalaki. Sa pagkakaalam ni Wax ang daddy niya mismo ang nagpagawa ng swing na iyon para sa kanya.
"Pinagawa ito ng daddy ko para sa akin at pagkain ko iyan," walang buhay na sambit ni Wax. Tinulak ng mga bata si Wax matapos tumayo ang batang lalaki para agawin ang pagkain niya.
Nang ayaw talaga ng mga ito ibigay. Binaba na lang ni Wax ang kamay at hinayaan ang mga batang maglaro sa swing.
Gustong umiyak ni Wax pero kahit isang patak ng luhat. Wala ng tumulo sa mga mat niya— wala siyang magawa.
Hanggang sa maya-maya napasigaw ang nga batang lalaki ng may sumipa sa upuan ng swing mula sa likod na naging dahilan para mahulog ang mga ito sa upuan at mapasubsob.
"Hindi ba kayo tinuruan ng parents niyo na huwag kayong mangaangkin ng hindi sa inyo!"