Nagkulong agad ako sa kwarto pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay. Dito na ako dumiretso at ni hindi na pinapansin ang mga tao sa bahay. Masyadong masakit ang nararamdaman ng puso ko. Feeling ko pa nga ay para itong sinaksak nang ilang ulit. Alalang-alala ko pa ang expression sa mukha ni Jeremy kanina. Nagtatanong ang mga mata nito at nakakunot pa iyong noo niya. Mukhang gusto niyang magtanong pero pinili niya namang manahimik na ipinagpasalamat ko rin dahil hindi ko alam kung paano siya sasagutin kung sakaling magtatanong siya sa akin lalo na at nagtataka na rin ito kung bakit ganito na lang ang iyak ko. Mukhang nagdududa na nga na ‘di lang ito tears of joy ang dahilan kung hindi ay mas malalim pang dahilan kung bakit ako umiiyak. Kaya naman sinabi ko na lang sa kanya na sumakit ang tiyan k