A Simple Note
I have sent to you my love
The note I kept inside
Through my angels from above
Hope you accept it with your love
I knew you didn't love me too
Because you had already someone new
Fine. I always felt it, my Dear
‘Coz she deserves it very well
You may lose or win the game
I will be here...
I still always be the same
With you my friend
Till the end...
-Keanne
"Putik ang corny naman ng note na ito. Sino kaya ang nagsulat nito? Hmmn, Keanne.... Ang cute ng name niya. Kawawa nga lang parang na friendzone yata ‘tong babae na ito."
Napatawa ako nang marinig ko ang kanta galing sa radyo na nakalagay sa itaas ng mesa. Babae ang singer at ang kanta ay tungkol sa isang sekreto na matagal ng lihim. Mukhang nagkagusto ito sa isang tao at pagkatapos ay pilit nitong iniiwasan iyonpero napana pa rin ang puso ni Kupido.
Napailing ako. Ang galing din ng kantang ito parang nakiayon sa binasa kong note na nakalagay sa frontpage ng isang libro na hawak ko.
"Hey, Jeremy! What are you doing? Para kang timang d’yan na tumatawang mag-isa para ka tuloy siraulo!" sigaw sa akin ng pinakamagandang babaeng nakilala ko–si Piggy. Kakapasok lang nito sa kwarto galing sa paglalabas ng box na may lamang mga gamit. Tinutulungan ko kasi siya na mag-ayos ng mga gamit niya na ido-donate niya sa orphanage.
By the way, that's just her name pero hindi siya mataba. Ang totoo niyan napakasexy niya. Siya na yata ang definition ng babaeng may coca-cola body. Noong nagpaulan ‘ata ng ka-sexy-han si Lord ay nakuha niya na ang lahat. Perfect na sana siya kaso nga lang kung umasta parang lalaki. Ang totoo niyan tibo ang babaeng ‘to at laging may kaaway na lalaki. Minsan pa nga ay napaparambol pa.
Kahit loose ang suot nito na black shirt at pantalong maong ay litaw pa rin ang kaseksihan niya. And I've been in love with her since God knows when. But I was not able to tell her that because she treats me like her brother. Sabay kaming lumaki at nagkaisip dahil sa mag-best friends ang parents namin.
"Hey, natulala ka na d’yan! Ang gwapo ko na ba?" nakangisi nitong sabi habang papalapit sa akin.
"Ha! Asa ka pa! Mas gwapo pa rin ako. Wala kang maskels at pandesals katulad nito." Sabay pakita sa 6-packs abs ko na alagang-alaga ng gym.
Nag-roll eyes lang siya at tiningnan ako habang naniningkit ang mga mata.
"Hay nako, Jeremy Castillo ‘di ako maglalaway d’yan kasi ‘pag ako nagpakita ng katawan sa’yo ‘di lang luluwa ang mata mo, maglalaway ka pa na parang asong ulol d’yan," sagot ni Piggy sabay tawa nang sobrang lakas.
"Hahaha asa ka pa!" napipikong sabi ko sa kanya. Pero deep inside tinamaan ako nang matindi doon.
Napatigil ako nang marinig ko ulit ang tugtog ng radyo. Naalala ko na naman ang tungkol sa note. Why do I feel so uneasy kapag naaalala ko ‘yun?
"Natulala ka na naman. Wala ka talagang pakinabang hmpf!” Ismid ni Piggy. “Pinapunta kita dito para tulungan akong hakutin 'tong lumang mga gamit ko at ibigay sa orphanage tapos nakatulala ka lang. Sana pinatawag ko na rin sina Alex, Kerby, Drake at Matt," reklamo nito habang padabog na nilalagay ang mga used stuff toys niya sa isang kahon na may mga laruan.
Anim kaming magkakaibigan at siya lang ang nag-iisang babae. Parang kami pa nga ang naging dahilan kung bakit napaka-boyish niyang manuot at gumalaw. Buti na lang at 'di kami kinuyog ng parents niya at naging suportado si Piggy sa kahit anong gawin nito. Para ko na ring mga magulang ang parents niya dahil sila na rin ang halos gumabay sa akin habang lumalaki ako. Namatay kasi ang parents ko sa isang car accident.
"’To naman nagtatampo agad. Heto na nga tutulungan ka na. Tawagan mo na rin iyong mga ugok na ‘yun para makatulong. By the way, can I have this book?" tanong ko sa kanya na itinaas pa nang bahagya ang aking kamay na may hawak na libro para makita niya. Hindi naman interesante itong libro pero ewan ko, parang gusto kong basahin nang paulit-ulit ang note na ‘yun.
"Hahaha kailan ka pa nahilig sa pagbabasa?" asar nito.
"’Wag na mang-asar. Ibibigay mo ba o hindi?" kunwari’y nagtatampong sabi ko.
"Eh, di kunin mo! Saksak mo sa baga mo!” anitong natatawa pa at nagpatuloy sa paglalagay ng mga librong 'di na niya ginagamit sa walang lamang box.
I smiled while looking at her intently.
Hay... kung bakit naman kasi naging tibo ka pa... and so I thought.
"WHEEWW!! Success! At least ngayon, lumuwang-luwang 'yung kwarto ko. Naipamigay na rin natin sa orphanage iyong mga gamit kong 'di ko na naman na ginagamit," masayang wika ni Piggy. Nalagay na namin sa likod ng pick-up ang lahat ng box. Umabot ito sa 5 big boxes. Ang kailangan na lang naming gawin ay pumunta sa orphanage para maihatid na ang mga ito.
"Asus, gusto mo lang bumili ng mga panibagong gamit eh," nakangisi kong asar sa kanya.
"Ano ka ba naman, Jem, of course 'no? Besides ililibre mo pa ako eh. 'Di ba sabi mo ipagsha-shoping mo ako?" naka-pout na sabi ni Piggy.
"Pfft... 'Ayan d'yan ka magaling ang magpalibre. Ano, jowa kita? Eh, ni minsan 'di mo pa ako nililibre, ah? Tapos ikaw pa 'tong hingi nang hingi ng favor sa akin para layuan ka ng mga babaing nagkakandarapa sa'yo. Minsan ha? Naiinis na ako! Mas habulin ka pa kaysa sa akin," kunot-noong angal ko sa kanya.
Maraming babae ang humahabol kay Piggy. Para sa akin, babae pa rin naman siyang tingnan except sa loose na damit na sinusuot niya. Iniisip ko nga minsan ay pagkamangkukulam 'ata 'tong babae na 'to. 'Di ko alam kung hinahabol ba siya ng mga babae dahil sa gwapo kaming mga kaibigan niya o nai-insecure iyong mga 'yun. Kasi naman kitang-kita na sexy siya kahit loose ang damit na suot. Idagdag pa ang malaanghel niyang mukha na parang 'di marunong gumawa ng kalokohan pero 'wag ka, napakaloko nito.
Ang rosy pa ng cheeks tapos natural na pink ang labi and not to mention ang kinis. At kahit loose iyong damit niya masasabing pantay talaga ang kulay ng balat niya. Noong minsan, natanggal ang bullcap niya'y nakita ko ang pagka-reddish brown na shoulder length niyang buhok at napaka-shiny parang sa commercial lang ng rejoice. Lagi nga siyang kinukuha para sa mga pageants, reyna elena, modeling at kung anu-ano pa. Kaso ayaw niyang sumali.
"Hey, Jem natutulala ka na naman d'yan. Ano? Libre mo na ako..please." nagpa-puppy eyes niyang sabi sabay pout.
"Hay nako, Piggy 'di mo ako madadaan sa ganiyan," naiiling kong sagot sa kanya at bahagya siyang inisnab.
We both ride the car and after fifteen minutes ay nakarating na kami sa bahay-ampunan. Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ko ang request ni Piggy kanina. Although nahulog na ako sa patibong niya. Ang dali ko talagang bumigay sa mga request ni Piggy. Isang pa-cute at pagpa-pout niya lang, tiklop agad ako. Minsan gusto ko lang na makita siyang ginagawa ang mga expressions na 'yun kasi pakiramdam ko she's doing those to get my attention and that's she's doing it because she has feelings for me. And yep, I'm madly in love with her but she doesn't know it.
"Ay Jem, natawagan mo ang tropa. Tell them we'll be waiting here sa entrance. Ipapasok ko lang 'tong last box sa loob," habilin ni Piggy habang karga-karga ang kahon na hindi naman kalakihan.
"Ba't ako? Ikaw na, ako na lang magpapasok niyan." Turo ko sa hawak niyang kahon.
"Jusko, ang reklamador mo talaga! Puwede mo naman kasing tawagan na lang. At saka naka-postpaid ka naman. Sige na."
"Fine," sumusukong sagot ko. Hindi talaga ako nananalo sa kahit anong argument kay Piggy.
"Great! You're really the best, Jem!" Kumindat pa si Piggy sa akin bago pumasok sa orphanage.
Napailing ulit ako. Ako na talaga ang may marupok na puso. Kaya kahit napipilitan ay tinawagan ko na ang iba pang mga kaibigan namin. Hindi nagtagal ay dumating na din ang mga kaibigan namin. Tamang-tama rin na tapos na kaming hakutin ang mga kahon at naghihintay na lang sa pagdating nila. Pagkakita sa ami'y agad kaming nagpalitan ng fist bump at man hug bilang batian.
"Mga Bro, punta daw tayo sa mall. Manglilibre daw si Jeremy, eh," nakangising sabi ni Piggy sabay tingin sa akin nang nakakaloko.
"Pucha! Anong libre!?!" inis kong saad.
"Yes! Thank you, Bro!" sabay na sabi noong apat.
Umismid ako sa kanila. 'Di na ako nakaangal dahil alam kong umaandar na naman ang kalokohan nitong si Piggy. Napagpasyahan namin na pumunta sa KFC dahil gutom na daw sila at 'di pa nakapag-breakfast at almost lunch na din. Papasok na kami ng biglang may babaeng tumili nang pagkalakas-lakas.
"PIGGY!"
Nagulat kaming lahat nang may pamilyar na boses ang sumigaw sa pangalan ni Piggy. Nagyuko kami ng ulo dahil sa kahihiyan dahil lahat ng tao ay napapatingin sa kanya at sa direksyong pupuntahan niya. Palukso-lukso pa itong lumapit sa amin.
Nang nasa harap na nito si Piggy ay bigla na lang nitong niyakap at hinalikan si Piggy sa pisngi.
"Whoah!" napasigaw si Alex sa gulat.
Habang napapasipol na lang sina Drake, Matt at Kerby. Ako nama'y natutulala na lang.
Sino ba naman ang 'di makakapag-react ng ganoon, eh ang ganda-ganda noong babaeng yumakap kay Piggy? 'Di lang maganda, ang sexy rin. Litaw ang makinis nitong hita sa suot nito na napakaikling short at hapit sa katawan na sleeveless na halos lumuwa na ang dibdib sa sikip ng suot nito.
"Ashley! Ano ba bumitaw ka nga! Para kang tuko, eh," yamot na sabi ni Piggy sabay kuha sa kamay nitong nakakapit sa leeg nito.
"Heto naman si My Loves, oh! Ikaw ha? Nakakatampo ka na! 'Di mo na ako tine-text. Parang mas importante pa 'tong mga unggoy na kasama mo kaysa sa akin," nagtatampo nitong sabi.
Si Ashley ang girlfriend ni Piggy. 'Di lang basta-bastang girlfriend. Galing ito sa mayamang pamilya, matalino, maganda at higit sa lahat-- sexy.
"Tss..." nakasimangot na saad ni Piggy na para bang naba-badtrip sa ginawa ni Ashley sa kaniya.
Minsan nga napapaisip na lang ako kung ano ba talaga ang nakita ni Ashley kay Piggy kasi parang patay na patay talaga siya dito. Ang hilig-hilig ni Ashley na lumingkis sa braso na akala mo'y may magtatangkang kunin si Piggy palayo sa kanya.
"Hi, Ashley! Kumusta na?" bati ni Alex. Nakangisi ang loko. Parang may naaamoy na naman akong pikunan dito. Hindi kasi masyadong magkasundo si Alex at Ashley. Sa katunayan, daig pa nila ang aso’t pusa.
Si Alex ang chickboy sa grupo na walang ginawa kundi magpaiyak ng babae. Akala siguro sa mga babae ay laruan. Buti na lang 'di nito tinalo si Piggy maybe because alam niyang mapapahiya lang siya.
"Hmpf! Kahit kailan, Alex ang manyak ng mukha mo. Mukha kang rapist!" napipikon na sabi ni Ashley na matalim na nakatingin kay Alex.
"Excuse me? Sa gwapo kong ito napagkakamalan mo akong rapist? Bulag ka 'ata, Ashley? Tingnan mo nga at pumatol ka kay Piggy. Eh, 'di naman kayo magkakaanak niyan."
"My Loves, oh si Alex... Nang-aaway!" sumbong ni Ashley kay Piggy na parang bata may papadyak padyak pa sa paa. Ikinawit nito ang mga braso sa kanang braso ni Piggy.
"Tss...insecure ka na naman, Bro. Lubayan mo nga si Ashley," nakasimangot na saad ni Piggy.
"Eh, totoo naman, ah! Sa---mmmpppppp--"
Napatingin ako kay Kerby na tinatakpan ang bunganga ni Alex gamit ang kanang kamay nito para 'di na makapagsalita at bahagyang napatawa. Si Kerby ang tahimik sa aming anim. Sa sobrang tahimik, 'di mo alam kung ano ang iniisip. Napaka-mysterious na tao. Lahat ng binibitawang salita ay may impact at napaka-observant din nito. Siya iyong peacemaker namin kapag nagkakainitan na katulad ngayon, to the rescue na naman ito para maiwasan ang gulo. May pagka-insensitive kasi 'tong si Alex.
"Ano na, mga Bro kain na tayo," yaya ni Matt na hinimas-himas pa ang tiyan.
Si Matt naman iyong pinakamatakaw sa grupo. Lagi na lang siyang nag-aayang kumain. Pero ‘wag ka, di siya mataba. Ang hilig mag-joke kahit na minsan may pagkamais na. Pero kahit ganyan siya, nakakatakot ang pamilya niya kasi ang ama niya ay may koneksyon sa isang malaking mafia. Isa ito sa malaking si sekreto ni Matt na kami lang ang nakakaalam. May sarili na din itong grupo pero 'di kami kasali. Para sa kanya kami ang safety pin niya. Pero kahit may nakakatakot itong background, 'di namin alintana 'yun ang importante nagkakaintindihan kami at isa pa, parang pamilya na rin namin siya.
"Hay nako, umandar na naman ang pagkapatay-gutom mo, Bro," nakakunot-noong komento ni Drake sabay suntok ng mahina sa balikat ni Matt.
Si Drake naman ang pinakaseryosong tao sa aming magbabarkada. Ang mahal bilhin ng ngiti niya na parang laging may kaaway. Mas napagkakamalan pa siyang anak ng Mafia kaysa kay Matt eh. Pero kahit ganyan s'ya mabait at napaka-dependable niyang kaibigan. Ang taas-taas ng tingin niya kay Piggy minsan naiisip ko kung may gusto 'to kay Piggy. Pero sa estado ng utak ni Piggy, walang kapag-apag-asa 'tong si Drake.
"Grabe ka naman, Bro. Kung makapatay-gutom ka... Gutom lang ako, 'no? Pero hindi ako patay!" nagtatampong sabi ni Matt na gumanti ng suntok sa balikat ni Drake.
Napailing na lang kami sa bangayan ni Drake at Matt habang si Ashley naman ay tawa nang tawa.
"Jem, kayo na mag-order alam n’yo naman iyong gusto ko, eh. Hahanap lang kami ni Ashley ng mauupuan natin," nakikisuyong sabi ni Piggy.
Tango lang ang sagot ko sa kanya. Sinama ko na sina Alex at Matt para mag-order habang nakasunod naman sina Drake at Kerby sa kanila.
"Ano ka ba naman, Ashley. Ba't ‘yan iyong suot mo? Parang luluwa na ang kaluluwa mo d’yan oh! Ba't di ka na lang nagpantalon?"
Naririnig ko pa ang litaniya ni Piggy habang papalayo sa amin. May pagka-conservative kasi iyong babaeng ‘yun. Kung umasta talaga parang lalaki. They've been together for 2-3 years if I’m not mistaken.
Gabi na noong lumabas kami ng KFC. Hindi dahil sa ang tagal naming kumain, pero dahil sa ang tagal matapos ng kwentuhan. Nagmistulang naging tambayan namin ‘yun kaya noong lumabas na kami ay madilim na. At dahil wala ni isa sa amin ang gustong umuwi pa kaya nagkayayaan ulit ang barkada na mag-bar dahil linggo naman bukas.
++++++
-PIGGY’S POV-
Ang dami ng tao sa club. Pero ‘di ‘yun ang naging hadlang para ‘di kami mag-enjoy. Humanap agad kami ng mauupuan at nag-order ng napakaraming alak. Ang ‘lang hiyang si Alex tequila at bacardi ang inorder.
Sanay akong uminom pero first time kung uminom ng tequila at bacardi. In fairness ang sarap pero ang tapang ng alak na ‘to pero I like the feeling it gives me. ‘Yung tipong mapait pero malamig sa lalamunan. ‘Yung tipong di naman masarap pero hahanap-hanapin mo ang lasa. At habang tumatagal, mas gumagaan ang feeling ko na para akong dinuduyan sa alapaap. Pagtingin ko sa mga kasama ko nasa dancefloor na sila except kay Alex na may kahalikan na nakaupo pa sa kandungan niya ang babae.
Hanep talaga ‘tong lalaking ‘to. Ang daling makahanap ng babae ka chukchakan.
‘Di ko na napansin na naubos ko na pala ang isang bote ng bacardi. Ang gaan tuloy ng feeling ko at parang gusto kong sumayaw. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pumunta ako ng dance floor at sumayaw ako nang sumayaw. Wala naman nakakatawa sa pagsasayaw pero feeling kong tumawa nang tumawa. Hindi ko na napansin na naalis na pala ang ang bull cap sa ulo ko pero hinayaan ko lang ‘yun. I just let my long hair down and it it dance with my body too. Siguro kung matino lang ang pag-iisip ko inayos ko na ‘yun at itinago sa bull cap ko.
Nasa momentum na ako nang pagsasayaw nang biglang may humawak sa braso ko na naging dahilan para huminto ako. Nakaramdam agad ako ng pagkairita. Nilingon ko ang taong humawak sa braso ko at mas nadagdagan pa ang pagkairita ko dahil hindi ko kilala ang lalaki. Nakangisi itong nakatingin sa akin na para bang inaakit ako sa klase ng tingin niya sa akin.
"Hey, let go of me! How dare you?" asik ko sa lalaki sabay piksi ng braso ko.
Pero mas hinigpitan pa ito ng lalaki sa paghawak. Hindi niya inalintana ang pagpupumiglas ko sa pagkakahawak niya. Ang siste ay mas lumaki pa ang ngisi nito.
"Hi, Babe, ang suplada mo naman gusto ko lang namang makipagkilala sayo," sagot ng lalaki.
Agad akong napahawak sa ulo ko nang makaramdam ako ng biglang pagkahilo.
"Sh*t!" napamura ako tindi ng pagkahilo ko. Halos ‘di ko na mabuka ang mga mata ko sa kalasingan. Putek! Ang traydor noong ininom ko parang bibigay na yata ang mga tuhod ko.
"Hey, easy...easy... I got you, Babe."
Agad na hinawakan ng lalaki ang bewang ko para hindi ako matumba. Gusto ko siyang itulak palayo pero hinang-hina na iyong pakiramdam ko. Namamanhid na iyong katawan ko na para bang wala na akong natitirang lakas. Kaya kahit labag sa loob ko ay hinayaan ko na lang iyong lalaki na yumakap sa akin. Hindi ko mapigilang sisihan si Alex sa utak ko. Alam kong may pagkakamali rin ako dahil napasobra ako sa inom.
I should have known. Kapag bumalik ako sa huwesyo lagot ka sa akin, Alex!
Maya-maya naramdaman kong parang pinipisil noong lalaking nakayakap sa akin ang pang-upo ko.Nagsisimula na din itong isiksik ang mukha niya sa leeg ko. ‘Di ko maiwasang makaramdam ng pangdidiri. Kaya naman kahit wala na akong lakas ay pinilit ko ang sarili kong itulak siya. Pero dahil sa sobrang lakas niya, parang balewala lang sa kanya ang ginawa ko at para na ring pipikit ang mata ko kahit anong gawin kong pagdilat.
Tulong... ‘Di ko na alam kung naibigkas ko ba ‘yun nang malakas o ano. Ang iniisip ko lang ngayon ay sana may nakakakita sa amin at tulungan akong makawala sa lalaking ito.
Tila nag-awitan ang mga anghel sa langit nang maramdaman kong may biglang humila ulit sa kamay ko. Pinilit kong ibuka ang mga mata ko para makilala sino ang tagapagligtas ko pero di ko na rin kayang ibuka pa ang mga mata ko. Pagkatapos ng ilang segundo, biglang nagdilim sa akin ang lahat.
***
Nagising akong masakit ang ulo’t pati ang katawan ko. Para akong binugbog kagabi. Humanda talaga iyong Alex na ‘yun sa akin. Umorder ng mga alak na grabe pala kung makatama. Ako naman si Tanga inom nang inom. Dahan-dahan akong bumangon nang maramdaman kong may braso palang nakayakap sa akin...
Ngayon ko lang din napansin....
"God! Why am I naked?"