Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog, pero nagising na lang ako na kumakalam na ang sikmura ko at madilim na rin ang paligid. Tanging ang ilaw mula sa bintana na nagmumula sa poste ng ilaw sa labas ang tanging naging ilaw ko sa loob ng kwarta. Pero mukhang ‘di pa naman siguro ako masyadong late sa paggising dahil rinig na rinig ko ang ingay sa may swimming pool na makikita lang mula sa bintana ng kwarto ko. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago ako bumangon at ‘di muna bumaba ng kama. Medyo nagulat pa ako dahil nakadamit na ako. Ganu’n na ba ako kapagod at ‘di ko napansin na binihisan na pala ako? Maginhawa rin ang pakiramdam ko at hindi ako nanlalagkit. Though I can still the soreness down there. Siya ba ang nagbihis sa akin? Nag-init agad ang pisngi ko. Iniisip ko pa lang