Napahawak ako nang mahigpit sa tuwalya nang makita ko si Jeremy na kampanteng nakahiga sa ibabaw ng kama ko habang nakaunan sa mga braso nito at naka-cross ang mga binti. May suot pa itong medyas. "Papatayin mo ba ako sa takot?" asik ko sa kanya. Bahagya ko pang minasahe ang dibdib ko para pakalmahin ang sarili. Ang lakas kasi ng t***k ng puso ko. "Saka ba't ka nandito? Tulungan mo sina Ashley doon sa kusina." "Kaya na nila 'yun. Saka dumating na sina Kerby, Matt, Alex at Drake kaya marami ng maghihiwa," sagot nito habang maimtiim na nakatitig sa akin. Para akong nilukunod sa klase ng tingin niya at 'di ko maiwasang makaramdam ng maliliit na boltahe sa buong katawan ko dahil sa klase ng titig niya. Gwapong-gwapo pa naman ito kahit sa simpleng suot na black tshirt at tattered jeans. Pasi