Chapter 38 - Mapait na Alaala

1055 Words

Chapter 38 NAPANGIWI si Clive nang tumili si Leigh nang malakas nang makita ang ina, nang umuwi sila. Kadarating pa lang din ni Adela at nagpang-abot ang dalawa sa may garahe. "Santisima, baka ako matumba!" Anang may edad na babae, nakayakap sa anak na tumatalon habang nakayakap iyon sa may leeg ng ina. "Ano na naman bang hinihiyaw mong bata ka?" "Ma," huminga nang malalim si Leigh, "pasado ako, Ma! Hindi nagalit si President dahil nalaman niyang totoo ang sinabi ko na sinadya ni Laiza na iwan ako sa ilalim ng pool! Mas pahihigpitin daw nila ang pagtanggap sa mga aplikante ngayon dahil may deprensya pala sa pag-iisip si Laiza," humahangos na kwento nito sa ina. "Patawarin mo na siya kung ganun dahil hindi naman pala siya matino. Mag-ingat ka na lang sa susunod sa mga taong nakakasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD