Chapter 35 - Leki-leki Power Nag-iisip na kaagad si Clive kung alin sa mga kumpanya ang pipiliin niya na magsu-supply sa kanya ng lahat ng materyales na kailangan ng kanyang world breaking history catwalk. Alam naman niya ang kapasidad ng mga kumpanya na iyon. Kailan? Sa nakalipas na dalawang taon? Tanong niya sa sarili. Wala na siyang alam na latest news. Sa madaling salita ay tulog na siya sa kangkungan. Kasamang nabaon sa lupa ng asawa niya ang pagiging masusi niya sa lahat ng mga kumpanyang nagsisipaglakihan sa panahon ngayon. Ibig sabihin ay dalawang taon na rin siyang natutulog. "What's the latest trend about those companies nowadays, Xavier?" Tanong niya sa kanang-kamay na nasa kabila ni Leigh. Nilagpasan niya ng tingin ang dalaga dahil habang tumatagal ay parang gusto niyang u