Chapter 36 "Ano kamo?" Nakataas ang mga kilay ng Mama niyang tanong sa kanya. Tila ba hindi ito makapaniwala sa kasasabi pa lamang niyang plano ni Clive, na sinang-ayunan naman niya nang hindi ito kinukunsulta, take note. Why? She's so desperate to have money. Walang-wala na sila. Mas mabuti na ang gawin niya ang bagay na naiisip niyang gawin kaysa naman magnakaw siya ng pera o magbenta ng puri. Wala rin itong alam sa mga ganap na halik-halikan portion nila. Peste! Sa lagay bang iyon ay hindi pa kasama ang puri niya sa kasal-kasalan? "Magpapakasal kayo?" Tanong nito sa kanya, nakaupo ito sa harap ng vanity mirror. "Oo daw, Ma…" "Anong oo daw, Ma? Dapat ikaw ang may desisyon," anito sa kanya. "A-Ako nga. Wala na akong choice, Ma," bumuntong hininga siya. Nakaupo rin siya sa gilid ng