Tristan's Pov: Sa sobrang sakit, pakiramdam ko naging isa akong puno na pilit pinitasan ng hilaw na bunga. Mapapa wow sa sakit sa pamimilipit. May sayad talaga sa utak yung babaeng yun. Pag ako hindi na magkaanak papalapa ko siya sa mga buwaya. Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ako ng banyo habang kinukuskos ko ang buhok ko, pero halos bumagsak ang dalawa kong braso ng makita ko ang kalagayan ng kama dahilan para mapakunot noo ako. Confirm, malala na sayad nito. "Ginagawa mo? Bat nasa gitna yung mga maleta? " Tanong ko habang nakakunot noo ako. " Paki mo ba? Harang ko tu para sa kaligtasan ko gabi gabi." Tugon niya, na sunod sunod ihinanay ang mga maleta sa gitna. Natawa naman siya ng mapakla. " Anong nakakatawa?" Dagdag kong tanong. " So, nag iisip ka talagang baka may gawin a