Nagising ako na sapu sapo ang ulo ko. Sobrang sakit. Ano bang nangyari at parang binagsakan ng malaking nato ang ulo ko dahilan para mapipi ang utak ko. Hmmmmm ! Ano bang nangyari bat ang bigat bigat ng katawan ko? Kahit nakapikit pa ako ay dahan dahan kong inalis ang kumot na siyang nakapulupot sa buo kong katawan akmang babangon na sana ako ng biglang may maramdaman akong masakit sa pagitan ng hita ko. Yes down there. Pero dahil sabog ako, walang ibang nasa isip ko ngayon kundi ang uminom ng tubig dahil sobrang uhaw na uhaw ako tipong parang sumali ako sa karera ng takbuhan. Tatangkain ko sanang bumangon ulit ng biglang may isang kamay na dumagan sa may tyan ko at ulong sumiksik sa may leeg ko na ikinagulat ko dahilan para magising ang natutulog kung kaluluwa. Dahan dahan akong umusog