LUCIA's POV ♕♕♕ Dalawang linggo na ang lumipas simula ng aksidenteng nagdulot samin dalawa ni Sevius na maging malapit sa isa't isa. Araw-araw niya kong dinadalaw sa lumipas na mga linggo na 'yun, kahit na sisilipin niya lang ako o hindi kaya dadalhan ako ng panibagong libro mababasa at maryenda. Hindi niya man sabihin sa'kin na nag-aalala siya ay halata naman sa mga kinikilos niya. Madalas na rin kami magkwentuhan at kahit papano nababawasan na ang pagtataray sa'kin ng batang 'yun. Lagi niya kong binabantayan at dinaig pa sila Sasha kung mag-alaga sa'kin, madalas nga lang may kasamang sermon pero masaya na rin ako dahil pakiramdam ko importante ako sa kaniya. "Sa wakas pwede na ko tumakbo," banggit ko sa kanila habang inuunat ko ang binti ko. "Mabuti nga raw madam na iensayo niyo a