LUCIA's POV ♕♕♕ Panay ang kwentuhan nila tungkol sa mga bagay na halos hindi ko masundan, para bang pinaupo lang nila ako sa kanilang tabi para makinig sa kanilang mga usapan. "Pero hindi ko talaga akalain na mapapaamo mo ang Istvan, Duchess Lucia," biglang banggit ni Countess Emely sa harap ng mga iba pang aristocrats. "Totoo Duchess, alam mo naman siguro na Tyrant ang napangasawa mo at ang anak naman niya ay hindi nalalayo sa ugali ng kaniyang ama," usapan nila at halos sang-ayon sila sa bawat isa, para bang tinawag lang nila ako rito para pag-usapan ang buhay namin nila Samael at Sevius. "Totoo bang kabayaran ka lang sa utang ng inyong pamilya? O baka naman gusto ka talaga ng Duke?" Tanong ni Countess Emely at hindi ko naman alam kung ano ang tamang salita na bibitawan ko sa harap