Chapter 5

1162 Words
ALVEA LYN- Nagpapahinga si Alvea sa loob ng kwarto dito sa bahay ng mag asawang Mr. and Mrs. Diofilo, ang mag asawang umampon sa kanya, bukas pa ng kanilang alis patungong America. Biglang nakatanggap ng mensahe si Alvea sa kanyang cellphone. Hindi pa naman siya antok dahil namamahay siya kaya bumangon siya mula sa pagkaka higa at pinulot ang cellphone sa side table ng kanyang higaan. "Alvea, sana hindi ka magtanim ng galit kay Nero. Dahil wala siyang kasalanan sa nangyari, si Jelay ang atat na maka iskor kay Nero, si Renzo ito." Iyan ang mensahe ni Renzo na ikinagulat niya. Isang patak ng luha ang mabilis niyang pinahid ng kanyang kamay, hindi niya masisi ang kasintahan dahil alam niyang nalulungkot ito sa kanyang pag lisan dito. Mahal niya si Nero ngunit kailangan niyang unahin ang mga bagay na magpapasa at magpapa ganda ng buhay niya. Naisio na lamang ni Alvea, siguro ay hindi talaga sila ang karapat-dapat ni Nero sa huli kundi si Jelay at Nero. May kurot sa kanyang puso dahil balitang natanggap niya mula kay Renzo, gayun pa man ay nagpapasalamat siya sa lalaking kaibigan na ibinalita sa kanya ang tungkol sa dalawa, dahil ngayon alam na niya sa sarili na hindi na siya dapat na magdalawang isip na sumama sa Amerika. Kanina ay balak na niyang umatras sa pagsama sa Amerika dahil kay Nero ngunit ngayon ay buo na ang loob niya. Durog at kirot sa puso ang kanyang nararamdaman. Labis na pagtangis ang nangyari sa gabing iyon ni Alvea, walang ibang dadamay sa kanya kaya kailangan niyag palakasin ang kanyang loob at desidido na soya na itutuloy ang pagsama sa amerika at tuparin ang lahat ng kanyang pangarap. ************* PITONG TAON ang nakalipas at nagbalik ng pilipinas si Alvea. "Alvea Lyn Diofilo, welcome po. Ikaw na po ang bagong CEO ng Diofilo Apparel and fashion industry Inc." Isang malaking ngiti ang sumilay kay Alvea bago niya kinamayan ang attorney ng yumao niyang magulang. "Congratulations," dagdag pa ng attorney. "Maraming salamat attorney Sy." Malaki ang pasasalamat ni Alvea sa attorney ng mag asawang umampon sa kanya dahil sa tulong nito ay napagtagumpayan ng mag asawa na palitan ang kanyang apelyido ng Diofilo para maging ganap na siyang isang Diofilo at dahil wala namang ibang kamag anak ang mag asawa ay sa kanya naipasa ang lahat ng ari arian ng mag asawang nasawi sa isang car accident sa amerika. Nakakalungkot man pero kailangan tanggapin ni Alvea na naulila na naman siya sa pangalawang pagkakataon. Mula sa Amerika ay inilipat niya dito sa pilipinas ang negosyo na naiwan sa kanya ng mag asawa. "Sana mag tagumpay ang negosyong ito rito sa pilipinas," saad ni Alvea habang naglalakad ito papunta sa mesa sa loob ng opisina. Isang buwan din ang binuo nila bago natapos ang pagpaparenovate sa nakuha nilang pwesto na pinatayuan ng DAFI Inc. Umupo si Alvea sa swivel chair tapos kumuha ng cheki at nagsulat siya ng halaga roon at inabot ito sa attorney. "Bunos mo ito attorney," sambit niyakay attorney Sy habang ibinibigay ang cheki. "Ma'am, hindi na po kailangan. Marami na po akong natanggap mula sa inyo," pagtanggi ng lalaki sa binibigay ni Alvea. "Magtatampo ako kapag hindi mo ito tinanggap attorney," nakangiti niya sambit. "Nakakahiya man pero, sige tatanggapin ko na." May pag aalangan na tinanggap ng attorney ang halagang ibinibigay sa kanya ni Alvea bilang bonus sa kasipagan ng lalaki. Ngunit bigla itong nagulat ng makita ang halaga na iyon. "Isang milyong piso?! Ma'am napakalaking halaga nito!" Gulat na sambit ni Attorney Sy. "Kulang pa nga yan sa magandang serbisyo mo kina mommy at daddy attorney," nakangiting sambit ni Alvea. "Pero ma'am," "Mula ngayon, ako na ang papalit kina mommy at daddy. Ako na ang amo mo, at aasahan ko na mas pagbu butihin mo pa ang serbisyo mo. At bago ako makalimot, tinaasan ko na pala ang monthly salary mo," aniya. Mangiyak-ngiyak na lumapit ang lalaki kay Alvea at kinamayan ito. "Maraming salamat talaga sayo ma'am, hindi ko inaasahan ito. Hindi nagkamali si Don Diofilo na maging anak ka nila dahil napaka buti mo, napakabait mong anak at amo." Pagpupuri ng lalaki kay Alvea. Ikinatuwa ito ng dalaga. Matapos ang pag uusap ng dalawa ay naiwan na mag isa si Alvea sa loob ng kanyang opisina. Tumulong sa pag aasikaso si Attorney sa mga staff ng DAFI Inc. dahil ngayong araw ay marami silang aplikante na nag a apply sa kanila ng trabaho. Makalipas ang ilang oras ay nag desisyon si Alvea na lumabas at nakaramdam siya ng gutom. Balak niyang kumain sa labas kaya inayos muna ang kanyang sarili bago lumabas ng opisina. Ngunit sa kanyang pag labas ng opisina ay meron siyang nakitang lalaki na familiar ang mukha sa kanya, maaari ay nakita na niya ito o kaya naman ay nakatagpo na niya sa kalsada. Ngunit dahil gutom na nga siya ay hindi na siya nag usisa pa sa lalaki. Dumeritso na siya sa labas at sumakay ng kanyang sasakyan kotse. Sa isang restaurant siya nagtungo at meron siyang kaibigan na inimbitahan, si Tristan na kanina pa naghihintay sa kanya sa naturang restaurant. "Hi, kanina ka pa?" Nakangiti niyang taning sa kaibigan at nakipag beso-beso. "Uhm, five minutes palang naman ako rito. Bakit ang tagal mo?" "Wala, medyo natrapik lang ako." "Nako, may chika ako sayo," bulalas ni Tristan kay Alvea. "At ano na naman iyon?" Kunot noo na tanong ni Alvea. Alam niya kasi na puro kalandian na naman ang ibabalita ng bakla nitong kaibigan. Si Tristan ay isang bakla, nakilala niya ito sa amerika at naging kaibigan niya. Kung hindi mo kilala ang pagkatao ni Tristan ay a akalain mong lalaki ito, lalaking lalaki. Napaka kisig ng katawan nito na halatang alaga sa pag eehersisyo sa gym at napaka hot pumorma, yung tipong maglalaway ang mga babae sa porma at tindig pa lang ni Tristan. Napaka gwapo din nito ngunit ang landi kung magsalita na ito. "May nakita akong gwapo kanina, duon sa mall." Halata sa mukha ni Tristan ang pagka eksaytment na mabalita kay Alvea ang lalaking nakita nito sa mall. "Sabi ko na nga ba," umikot ang mata ni Alvea dahil sa balita ng kaibigan. Hindi na bago sa kanya ang laging kwento ng kaibigan. "Ayan ka na naman, wag kang mag alala at ibang-iba ang kagwapuhan ng lalaking tinutukoy ko," sambit ni Tristan at tinapik pa sa balikat si Alvea. Paano ba naman, tuwing mag ki kwento siya na nakakita siya ng gwapo ay nadedesmaya lang si Alvea. E mas gwapo pa nga si Tristan sa lalaking tinutukoy nito eh, mas yummy pa si Tristan kung totoong lalaki lang ito. "Hay nako Tristan, alam ko na yang sinasabi mong lalaki. Kaya wag mo ng balaking ipakilala yan sa akin." Saad pa ni Alvea. "Ikaw bahala, basta iba ito sa mga ibang lalaki na nakilala ko." Kinikilig na sambit ni Tristan. Binaliwala na lang ito ni Alvea, bagkus ay nagtawag na ito ng waiter at omorder ng pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD