Chapter 12

2255 Words

Enjoy reading! Kinabukasan ay late na akong gumising at wala na rin si Harvey sa tabi ko. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Ramdam ko pa ang sakit sa paa ko dahil sa high heels na suot ko kagabi. Hinding hindi ko na uulitin na suotin pa 'yon. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. At natuwa ako dahil wala na namang bantay sa sala at sa may pintuan. Sunod kong pinuntahan ay ang kusina at nakita ko roon si Harvey na abala sa pagluluto at walang damit pang-itaas. Tanging suot na apron lang ang nakatakip sa kanyang katawan. Hindi ko alam kung tatalikod ba ako at babalik na lang sa kwarto o didiretso na papasok sa kusina. "Good morning, love." Napakurap ako at umiwas ng tingin. "G-good morning. T-tapos ka na b-bang magluto?" Nauutal kong tanong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD