Enjoy reading! Alas-singko y medya pa lang nang umaga ay gumising na ako at nagsaing. Hinihintay ko lang na magbukas ang tindahan malapit sa amin para makautang ako ng uulamim ni tita bago ako umalis. Habang naghihintay ay naglinis muna ako ng bahay. Tulog pa si tita at wala na rin siyang lagnat. Pero ayaw ko munang magtrabaho siya ngayong araw. Baka bumalik pa ang trangkaso niya. Nang matapos na akong maglinis ng bahay ay lumabas ako upang pumunta sa tindahan. Sakto naman na kabubukas lang. "Aling Ason, pwede po bang umutang muna ng tuyo?" Tanong ko sa nagtitinda. "Grabe ka naman, Abigael. Kabubukas lang ng tindahan ko tapos uutang ka na agad?" Sagot niya. "Pasensya na po talaga. Wala po kasi kaming uulamin ngayong umaga ni tita. Babayaran ko na lang po bukas." Sagot ko. "Sige