Enjoy reading! Sa sumunod na araw ay naiwan ako sa hotel. Hindi ko alam kung saan siya pumunta at wala naman akong mapag tanungan dito. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako upang kumain sa labas. Kahit papaano ay binigyan ako ni Harvey ng allowance sa kung ano man ang bibilhin ko rito. Hinanap ko kung saan ang kainan dito sa loob ng hotel. Mabuti na lang at sinamahan ako ng isang staff papunta roon. Agad akong natakam sa mga pagkain na nakahain kaya kumuha na ako ng pinggan. At habang kumakain ako ay may biglang nagsalita sa tabi ko kaya napahinto ako sa pagkain. "Hi." Nilingon ko kung sino iyon. "Kian. Anong ginagawa mo rito?" Gulat kong tanong. "Pwede bang makiupo muna rito?" Pagpapaalam niya. Tutal ay wala naman si Harvey rito kaya pumayag na ako. "Sige, upo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books