***
[Stranger]
Naupo sila Kiel at Miggue sa tahimik na baybaying iyon, medyo madilim pero dala ng sinag ng buwan ay okey na rin ang ambiance ng lugar. Malamig ang hangin at ang tanging maririnig lamang ang ang saliw ng hampas ng alon sa kadiliman ng karagatan.
"So what's up?" wala sa isip na tanong ni Miggue na parang close sila. Tiningnan lang siya ni Kiel bago ngumiti.
Kumuha siya ng pakete ng sigarilyo bago nag-abot ng stick kay Kiel. Mariing tiningnan siya ng binata na tila namangha. Tanaw pa nito ang pagkunot ng noo nito sa kaniya.
"No, but thanks, I don't smoke." Ani nito saka pa tiningnan ang karagatan. "Ah, okey, sorry." Tumalima si Miggue at ibinalik sa pakete ang stick at nagsindi ng isa para sa kaniya.
"I don't understand my parents," wala sa huwisyong sambit ni Kiel habang umiiling.
"Ha? Bakit?" ani Miggue saka naghithit-buga sa sigarilyo.
"Ewan ko kung bakit pinapangunahan na lang nila ako palagi, I'm old enough to decide, tsk. Hindi na ako bata, can't they see? I'm all grown up, right?" hinaing nito saka pa bumuntung-hininga.
"Siguro mayroon silang rason," maiksing sambit niya. Hindi naman niya alam ang totoong pangyayari eh, wala siya sa lugar para magdikta o magsul-sol kay Kiel. Tiningnan siya ng binata at pumagitna ang katahimikan.
"Nag-iba ka na, pumpkin." Ani nito na ikinagulantang ni Miggue. Ano raw? Pumpkin?
"What?" Nangingiting sambit niya.
"Nakalimutan mo na ba ako? o sadyang galit ka pa rin sa akin?"
"W-wait, anong pinagsasasabi mo?"
"It's me, Kiel."
"Ha? hindi kita kilala."
"Oh, I guess. Siguro'y masama pa rin ang loob mo, don't worry I'll leave," baritonong boses nito bago pa ito tumalikod at naglakad papalayo. Nagtataka si Miggue sa sandaling iyon na animo'y kilala siya nito. Pero ang ipinagtataka niya, bakit wala siyang maalala na naging kakilala niyang nagngangalang Kiel.
"Godness, maybe.." nahimasmasan siya bago naalalang may kakambal pala siyang si Mikee. Godness! Agad niyang nilisan ang lugar at pinuntahan ang naiwang kakambal.
Nang mapuntahan ang bonfire ay nakita niyang nagsi-alisan na ang nandoon kaya pumanhik na siya sa kwarto nila. Nang mabuksan ay walang tao room, kaya pumunta siya sa kwarto ni Triz tiyak nandoon ang dalawa.
"Savage!" saktong pagbukas ni Miggue ay siyang pagtama ng isang lumilipad na unan sa kaniyanh mukha.
"s**t!" impit niya saka pa nauntog sa pintuan.
"Ops! I did it again!" nakangising sambit ni Triz na hawak-hawak ang isa pang unan, ganoon din si Mikee na tila lasing habang nakangiti.
"The hell is happening here?" palatak na sambit niya sa dalawa.
"Pillow fight, girl. Obvious naman 'di ba?" umibis papalapit si Triz kay Miggue habang dinampot ang basong may lamang alak.
"Shot para igat!" sambit ni Triz sa slang na boses, bisaya iyon na natutunan niya mismo sa dalawang kambal. Iiling-iling si Miggue na noo'y naki-blend in sa dalawa. Isasantabi na lang muna ang katanungan sa isip niya ngayon.
"Game!" ani niya saka pa inabot ang baso at isahang nilagok iyon. Knowing they will end up clueless for tomorrow.
***
Kagigising lang nila Miggue at Mikee sa oras na iyon habang wala sa ayos ang kanilang kagamitan at kasuotan na tila dinaanan ng bagyo o sakuna sa nagdaang gabi. Agad na napabalikwas si Mikee at napasapo sa kaniyang sariling noo.
"Dyoskong mahabagin!" napalinga-linga pa si Mikee sa paligid habang noo'y niyuyog-yog ang balikat ni Miggue.
"Gising Miggue!" aniya habang hindi alam kung ano ang uunahin sa kwarto nila. Bukod kasi sa mga bedsheet na nasa sahig at mga cotton mula sa kanilang unan na nagkalat, ay naroroon din ang mga bote ng alak na hindi nila alam kung saan galing at kung ano ang naganap last night. They're f*****g clueless about what happened.
"Ugh. Ano ba kasi.." sabi pa ni Miggue na kinakamot pa ang ulo habang marahang bumalikwas sa hinihigaan.
"Whatta—" she mouted while turning her head around on each corner of their room.
"Anong nangyari?" walang ka ide-ideyang tanong ni Miggue kay Mikee.
"Ewan ko...pareho nga tayong kagigising lang 'di ba?" naiiritang tumayo si Mikee at hinanap ang telepono niya.
"Nasaan ang phone ko, Migz?"
"Ha? Nawawala nga rin sa'kin 'eh." Tumayo na rin si Miggue at gaya ni Mikee ay aligaga silang naghanap sa kani-kanilang mga kagamitan.
"Wait? Nasaan si Triz?" natigilan silang dalawa sa mga oras na iyon. Habang hindi pa rin malaman kung nasaan at kung anong nangyari sa kanilang last night.
"Patay tayo kina mom.." usal pa ni Mikee na siyang may pinaka-nerbyosang attitude sa kanilang dalawa.
"Chill 'lil sis. Wait lang.." Miggue raised her hands na parang nag-stop-look-and-listen gesture.
Mayamaya pa ay may narinig silang nag-flush ng banyo at doon nga'y iniluwa ang wala sa ayos na pigurang si Triz.
"Triz!" pasigaw na sambit ng kambal sa kanilang pinsan.
"Ey yow. What the f**k?" sabi pa ni Triz sa kanilang dalawa na tila nakakita ng multo.
"What the f**k happened last night?" asik pa ni Miggue sa pinsan. Pero bago pa magsalita ay naupo muna si Triz sa kalapit na Cleopatra couch nila.
"Chill, Green. Nandito tayo sa kwarto ko, and about last night...uminom tayong tatlo while making pillow war." Sabi pa niya sabay turo sa mga wasak na unan.
"And...about your phones, kinuha ni Vio lahat and of course gaya pa rin ng dati—pinasundan nila dad tayo kagabi kaya andito tayo ngayon, aside from you, Green. Nasaan ka ba kagabi? Bigla ka na lang nawala." Hindi nagsalita si Miggue, nag-isang linya lang ang labi niya habang tulirong iniisip kung sasabihin ba niya ang lalaking nakilala niya kagabi o hindi.
"They locked us up so hindi tayo gumala sa labas." Dagdag pang sabi ni Triz na tamad na sinipat ang balcony. "Look outside, it's now 8 o'clock. I'm sure natapos na ang surfing competition sa may baywalk." Nakangusong sambit ng pinsan nila.
"Surfing?" paghangang sambit ni Mikee kay Triz. Tumango-tango lang naman si Triz kay Mikee.
"Tsss. Whatever." Anas pa ni Miggue na bumalik sa pagkakahiga at pagod na nagtakip ng unan sa kaniyang ulo.
"Hey! Migz diba gusto mo ang extreme sports?" si Triz.
"Yeah. But I'm tired right now. Bahala na kayo riyan!" sabi pa ni Miggue na nami-miss ang tropa niyang si Shigoy at ang boyfriend niyang si Sherwin. And of course, ang kaniyang kaharian sa mudtrack race.
Naiwan si Miggue sa kwarto ni Triz habang sina Triz at Mikee naman ay lumabas para mapuntahan ang kanilang mga magulang na nasa ground floor.
Pagod na bumalikwas si Miggue sa kinahihigaan niya at nagmuni-muni sa kaniyang sarili. She's now an adult teenager na may napatunayan na sa kaniyang degree and of course, sa kaniyang trophy and medals when it comes to her passion—ang racing.
Mayamaya pa ay may narinig siyang sumisigaw sa kabilang room kaya naman dali-dali siyang lumabas ng balcony at doo'y naki-usyuso. Idinikit niya ang kaniyang tenga sa pader at mala-Sherlock Holmes na naki-usyuso roon.
"You can't force me dad, ayokong makasal sa babaeng hindi ko kilala!" rinig pa niya sa binata sa kabila.
"I will not marry anyone, dad. Ayokong magaya kay kuya Gabriel." Sabi pa nito sa kabila na tila kausap lamang ang kung sino sa telepono.
"Bye dad. I love you and mom...but I'm hundred sure about this. Okey?" iyon ang huling dinig niya sa kabilang kwarto at mayamaya ay nahinto na rin iyon. Wala sa sariling napatakbo ulit siya sa looban ng kwarto at napasalampak sa higaan ni Triz.
Napaisip tuloy si Miggue sa kaniyang sarili kung magiging ganoon din kaya siya sa hinaharap lalo pa't isa siyang Romero at kabalikat ng pagiging Romero ay ang pagpapatali sa kapwa mga aristokratang pamilya na makakabuti sa samahan ng industriyang mayroon sila.
Paano na lang si Sherwin?
Palatak na tanong ng isipan niya.
Mahal na mahal niya ang kaniyang boyfriend and of course, mahal na mahal rin siya nito as his girlfriend. Napapaisip na lamang siya sa posibilidad na paano na lamang kapag dumating ang puntong iyon. Paano kaya niya haharapin ang consequences at maipagtatanggol si Sherwin bilang lalaki sa buhay niya.
Napapikit na lamang si Miggue sa mga oras na iyon at nagdesisyong tumayo at pumunta ng labas. Wala siya sa ayos habang tinatali ang kaniyang mahabang buhok nang hindi niya mapansin na may nabangga siyang lalaki na naka-suit at tila nagmamadali ring naglalakad sa kaniyang daraanan. Pero hindi man lang ito lumingon sa kaniyang gawi at humingi ng paumanhin. Hindi rin niya ito namukhaan dahil sa suot nitong black shades at sa mabilis na pangyayari.
"Shit." Anas pa ni Miggue sa lalaking bumangga sa kaniya ng malayo-layo na ito sa pasilyong iyon. Bakit ba lapitin ako ng disgrasya? Sambit niya sa sarili. Nilingon niya ang lalaking iyon pero nawala na lamang ito bigla. Naalala tuloy niya si Kiel.
Inis na tinungo ni Miggue ang kwarto ng mommy at daddy Cloud nila pero wala roon ang pamilya niya.
"Nasaan naman kaya sila?" palatak niya sa sarili habang nilinga-linga niya ang kabuuan ng kwarto. Doon din ay nakita niya ang kaniyang shoulder bag niya at dali-dali niyang kinontak ang bff niya.
Si Shigoy.
Nang mag-ring iyon ay napangiti siya nang marinig ang boses nito.
"Dong! Aymisyu na!" bungad niya kay Shin.
"Matagal pa kayo riyan?" sambit ni Shin.
"Ewan ko kina dad. Gusto ko na ngang umuwi 'eh."
"Alam mo 'bang hinahanap ka ni kuya."
Nag-pause ito saglit at hindi umimik.
"Anong sinabi mo?" tanong pa ni Miggue kay Shigoy.
"Sabi ko nagbakasyon kayo nila Tito."
"Tapos?"
"Sabi n'ya nami-miss ka na raw niya," mababang boses ni Shigoy.
"Eh ikaw?" pagmiminaldita pa ni Miggue sa tropa.
"Siyempre...pero mas nami-miss ko si, alam mo na 'yon," ani nito saka pa natawa na animo'y kinikilig. Natawa na rin siya dahil alam niya ang sinasabi nito. It's her..sister.
"Migz.. sino 'yang kausap mo?" boses ni Mikee.
Agad na nilingon ni Miggue ang kakambal na noo'y may dalang wakeboard ng daddy Cloud nila. Parang narinig yata nito ang iniisip niya.
"Saan ka galing?" tanong pa ni Miggue.
"We're all outside. Nagpapaligsahan sina Tito Flinn at daddy Cloud sa pagwe-wakeboarding. Tara halika, punta tayo roon."
Kaya pagkatapos nilang mag-ayos saglit ay hawak-kamay nilang tinungo ang labasan. For they all know kung ano na naman ang trip ng daddy Cloud nila kasama ang Tito Flinn nilang hindi rin nagpapatalo sa larong iyon.
..itutuloy.