Chapter 9

1306 Words
Maaga akong nagising kinabukasan kahit wala naman akong mahalagang gagawin sa buong araw. Sa ilang buwan na pagtira ko sa bahay ng nakatatanda kong kapatid ay nasanay na rin ang katawan ko na gumising nang maaga. Bumangon ako at pumunta sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Maya-maya pa ay tinawag na ako ng aking Ate upang sabay kaming kumain ng agahan. "Lyza, anong gagawin mo ngayong araw? May pupuntahan ka bang kaibigan?" tanong ng Ate ko habang kumakain kami. "Parang wala naman, Ate. Siguro pupunta lang ako riyan sa kabilang bahay. Kukumustahin ko lang sina Nanay Sally at Tatay Elizar," sagot ko na ang tinutukoy na Nanay at Tatay ay ang mag-asawang malapit na kaibigan ng aming pamilya. "Ah, ganoon ba? Kailangan mo ng kasama?" "Hindi na, Ate. Malapit lang naman ang pupuntahan ko" sagot ko bago muling sumubo ng pagkain. Pagkatapos ng agahan ay tumulong muna ako sa paglilinis ng kusina bago ako naligo at nagbihis. Nagsuot lang ako ng brown spaghetti strap blouse at pinaresan ko ng brown din na stretchable Capri pants. Naka-brush up ulit ang mahaba kong buhok. Nagsuot lamang akong ng tsinelas dahil diyan lang naman ako pupunta kina Nanay at Tatay. "Papa! Ate! Aalis lang po ako sandali. Mangungumusta lang ako kina Nanay Sally at Tatay Elizar," pagpapaalam ko. "S'ya sige, anak. Mag-iingat ka." "Salamat po, Pa." "Ate, lalabas lang po muna ako sandali," pagpapaalam ko ulit kay Ate. Tumango lang siya sa akin bilang tugon dahil abala siya sa pagtutupi ng damit habang nanonood ng palabas sa maliit naming TV. Nasa labas pa lamang ako ng malaking sari-sari store ni Nanay Sally pero natatanaw ko na siya na nakaupo at nagre-repack ng mantika at mga rekado. "Tao po, tao po! Nanay Sally!" "Aba! Sino ba ang nariyan at kay aga-aga pa, eh, nagsisigaw na?" tanong ni Nanay habang maingat na ibinaba ang kanyang salamin patungo sa matangos niyang ilong. "Nanay Sally! Ako po ito, si Lyza! Kumusta po kayo, Nay?" masaya kong bungad kay Nanay nang lumabas ito ng kaniyang tindahan. "Lyza! Ikaw nga ba iyan? Aba! Ang ganda mo nang bata ka!" ganti nitong bati sa akin na may kasama pang yakap. "Ikaw talaga, Nay! Binobola mo na naman ako, eh!" "Anong bola? Hindi, 'no! Totoo namang maganda ka." "Salamat, Nay. S'yanga pala, hindi po ba kayo nagsimba?" "Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Kaya ayon, ang mga Ate mo nalang ang nagsimba. Maya-maya andito na rin ang mga iyon. O, ayan na pala sila." "Hello, mga Ate. Kumusta po kayo?" bati ko sa mga anak ni Nanay na bagong dating galing simbahan. "Oh, hi Lyza! How are you? Kanina lang napag-usapan ka pa namin ni Enzo," saad ng panganay na anak ni Nanay na si Ate Liezel. "P--Po? Ako? Napag-usapan ninyo ni Kuya Anthony? A--ano po ang sinabi niya?" nauutal kong tanong. Kinakabahan ako dahil baka kung ano-ano na ang mga ikinuwento ni Kuya sa kaniya. "Yeah. Wala naman. He just mentioned kasi na you two have been in contact through text daw these past few months. Ayon, inulan namin ng tukso. Teka, nasaan na ba ang lalaking iyon? Magkasama kami kanina palabas ng simbahan, ah. Akala ko nga nakasunod lang siya sa amin. Wait, titingnan ko, baka nasa labas lang," paalam ni Ate bago lumabas upang hanapin si Kuya Anthony. Naiwan akong tulala. Mas lalo pang tumindi ang nararamdaman kong kaba sa isiping magkikita kami ni Kuya. I can almost hear my heartbeat. Napapakagat labi ako habang naghihintay. I felt my hand shaking because of too much anticipation. "Lyza! Nandito ang Kuya Anthony mo. Teka, isasama ko nalang s'ya sa loob. Diyan ka lang," saad ni Ate Liezel na mas lalong dumagdag sa kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay tinatambol ang aking dibdib. "Nandiyan daw ang Kuya Anthony mo, Lyza. Sige na, pumunta ka na roon sa sala. Doon na kayo mag-usap kasama ang mga Ate mo. Masyado maliit itong tindahan. Hindi tayo kakasya rito." "Sige po, Nay. Babalik po ako rito mamaya." "S'ya sige, Lyza. At ako'y magpapatuloy sa ginagawa kong pagre-repack." Habang naglalakad papuntang sala ay ipinupunas ko ang aking mga palad sa likurang bahagi ng suot kong Capri pants. Pakiramdam ko kasi ay nagpapawis ang mga iyon sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin. Hindi pa man ako nakakarating sa sala ay nakikita ko na ang pigura ni Kuya Anthony. Kahit nakatalikod siya sa akin ay kilalang-kilala ko na iyon sa ilang taong magkasama kami. "O, nariyan na pala si Lyza, Enzo. Nako! Nako! Parang may matatameme yata, ah! Hoy! Pansinin mo na! Natulala ka na riyan! Para kang timang. Kani-kanina lang ang daldal mo." Narinig kong tukso ni Ate Leizel kay Kuya. "Liezel, naman! Huwag mo nga akong pagtripan!" "Anong trip? Ayan na si Lyza sa likod mo, tangi!" "Anong nasa likod? Alam kong wa---" Hindi na naituloy ni Kuya ang sinasabi niya dahil pagpihit niya ay nasa harapan na niya ako. "Hello, Kuya!" bati ko habang tipid na nakangiti. "H--Holy smokes! Si Lyza nga! S-hit!" taranta niyang saad at mabilis na tumalikod at umupo sa pinakamalapit na sofa. "Hoy! Para kang timang! Kung makaasta ka akala mo teenager lang, eh! Umayos ka, oi! Ang tanda mo na pero ang kilos mo parang high school ka lang," muling tukso ni Ate Liezel kay Kuya. "Liezel, ang ingay ng bibig mo! Tumahimik ka nga. Kahit kailan talaga bungangera ka, kaya hindi nagtatagal ang mga boyfriend mo," pabulong na sagot ni Kuya na umabot pa rin sa aking pandinig. Napangiti ako at kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Narinig kong tumawa si Ate Liezel. "Bahala ka na nga sa buhay mo, Enzo! Napaka-weak mo. Kung hindi pa kita kilalang babaero, talagang sasabihin kong may gusto ka kay Lyza. O baka naman---. Aray!" Napadaing si Ate Liezel dahil sa throw pillow na ibinato ni Kuya na tumama sa kaniyang mukha. Nang balingan ko si Kuya ay nakita kong nakangisi ito. "Eh di, natahimik ka rin," natatawang saad ni Kuya. "Walang hiya ka, Enzo! Ang sarap mong kutusan!" sigaw ni Ate bago ako binalingan. "Lyza, kapag itong hinayupak na 'to ay nanligaw sa'yo, pag-isipan mo munang maigi. Dahil baka magsisi ka. O mas mabuti, huwag mo na lang sagutin. Napakaano kasi! Aray! Peste ka, Anthony Lorenzo! Nakakarami ka na! Lumayas ka rito! Layas!" Nagsisigaw si Ate habang hinihila si Kuya patayo mula sa sofa na kinauupuan niya. Galit na galit siya sa ginawang paghampas nito ng throw pillow sa kaniyang mukha. Natatawa ako habang pinanonood ko silang dalawa. Wala pa ring nagbabago. Katulad pa rin sila nang dati na palaging nag-iiringan na parang aso't pusa. "Liezel naman, parang hindi ka na mabiro. Huwag mo naman akong palayasin. Mag-uusap pa kami ni Lyza. Sige na. Ikaw na muna ang lumayas." "Aba at! Bakit ako ang lalayas? Bahay namin 'to!" "Ay sorry. Nakalimutan ko. Sige na. Doon ka na muna. Mag-uusap lang kami sandali." "Nako! Kung hindi lang kita kaibigan, talagang ilalaglag kita rito kay Lyza!" "Hindi na kailangan, Ate. Para namang hindi ko kilala si Kuya. Di ba, Kuya?" nakangisi kong tanong kay Kuya. "Oo, Lyza. Ay ano nga ulit ang tanong mo?" "Ang sabi ko, matagal ko nang alam na babaero ka." "Oy, hindi totoo iyan!" "Anong hindi? Eh, ako ang messenger mo dati," sagot ko bago muling naglakad patungo sa sofa na nasa tapat ni Kuya. Balewalang umupo ako roon. "Alam mo ba ang laman ng mga sulat na pinapabigay ko?" "Hindi. Hindi ko naman kasi ugaling magbukas ng sulat na hindi para sa akin." "Kita mo na. Judgmental ka lang talaga. Friendly letter lang iyon." "Friendly letter? Eh, bakit sinusundo mo sila sa school tuwing uwian?" "Kasi nga friendly ako." "Ay sus! Sige pa. Bolahin mo pa si Lyza. Maiwan ko na nga kayo! Babush!" sabat ni Ate bago tumalikod at umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD