"Lisa!!!" sigaw ni Jayson saka ako prinotektahan bago tumaob ang kotseng sinasakyan namin. Wala akong nagawa para sa kanya. Dahil sa sobrang takot ko, tanging pagpikit na lang ang nagawa ko. Yakap niya ko nang sobrang higpit. 'Yung tipong para sa akin ay binubuwis niya na ang buhay niya. Takot na takot akong dumilat dahil sa nangyari. Ayokong makita si Jayson na wala ng buhay. Ayokong makita siyang napahamak nang dahil sa akin. "Lisa.." tawag sa akin ni Jayson. Dahil sa boses niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na dumilat. Pagdilat ko ng mga mata, sobrang dami ng dugo na dumadaloy mula sa kanya. Tumutulo ito sa mukha ko papunta sa kulay puti kong gown. Napuno ako ng takot. "Jayson...." Nanginginig ko siyang tinanganan sa kanyang mukha. Puno ako ng panlulumo. "Jayson!" umiiyak kong