Chapter 1

2739 Words
Leira Napa ngiwi ako nang mag talunan ang mga katabi kong babae matapos maka score ulit ang grupong puro may itsura ang manlalaro. Humigpit ang hawak ko sa plastic cup na may fishball nang muli na naman silang mag tilian at gumalaw na parang mga kiti kiti. Why can't they just sit down, shut their mouth and watch? Nang muli silang gumalaw at halos sipain na ako ng nasa likod ko ay hindi na ako naka tiis, tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. Nag taasan ang kilay nila kaya tumalikod nalang ako at bumaba sa bench. Kung hindi lang ako dayo dito ay baka nasigawan ko na siya. "Arte,maputi lang naman," I heard someone said as I walk away from their group. Them and their hypocrite mindset. Nang makita ko si Denise na bumibili ng icecream ay nilapitan ko siya. Naka nguso ko siyang kinalbit. She glanced at me, "Oh? Bakit ka umalis doon? Baka mawalan tayo ng upuan!" "Ang ingay ng mga nandoon!" Tumalikod ako sa kaniya at itinuro ang likuran ng damit ko, "Look at my top. Itim na itim yan kanina pero dahil sa kanila, gray na," sumbong ko. I know, it's normal for everyone to squeal if their bias scored pero sobra naman ata yung gitgitin nila ako at dumihan ang damit ko. I stuffed my mouth with fishball in frustration. "Manong, chocolate lang," aniya sa nag titinda ng sorbetes bago muli akong hinarap, "Bahala na nga. Doon nalang tayo sa bench nila Geo." I forgot, our friends, Geo and Warren with their volleyball teammates brought us here in Graseria to watch them play and compete with other groups. May prize din namang pera kaya sumama na kami plus, magkatabi lang naman ang bayan ng Graseria at Le Hares kaya pumayag agad ako. Nang maka bili na si Denise at maka pasok na ulit kami sa court ay tapos na ang laro, ang kanina pang tinitilian ng mga babae kong kasama ang nanalo. "Paupo ha!" Paalam ni Denise, umupo siya sa bench na dapat ay para lang sa grupo nila Geo. Nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay hinila niya na ako paupo. Warren looked us with annoyance in his eyes, "Diba sinabi ko sa inyong mag hanap nalang ng ibang bench? Wala ng mauupuan sila Glen," he scolded, pertaining to his mates. "Duh!" Inirapan siya ni Denise, "Mag lalaro na kaya kayo! Kaya doon kayo sa court, dito kami sa bench." "Denise." "Hayaan mo na sila, Ren!" Singit ni Steve, one of hos teammates. "Magugulo din yung mga babaeng pwede nilang makatabi sa ibang bench, baka mag kapasa pa iyang dalawa." Denise and I smiled sheepishly while nodding our heads, sang ayon sa sinabi ni Geo. He winked at us. Warren sighed. Magsasalita pa sana siya nangmay bolang lumipad papunta sa pwesto ko. Warren saw it coming, he blocked it easily. Hihinga na sana ako nang maluwag nang damputin niya ang bola, ihagis sa ere at malakas na pinalo. Nag ingay ang mga tao sa paligid nang tumama ang bola sa likod ng lalaking nasa kabilang dulo nitong court. Player din. His back arched and fell on his knees. Warren was chuckling as the guy cusses. Napa urong ako nang tingnan ako ng lalaking tinamaan. He was far but I can see the madness in his eyes, parang kahit anong oras ay balak niya akong tadtarin. Hindi ako ang tumira pero bakit ako ang kinakabahan? "Luh? Bakit mo naman ginanon, Warren?" Denise asked him, "Ang gwapo pa naman." Now, I want to pull her hair. Bakit ngayon pa siya inaatake ng kaharutan. Tinulungan siyang maka tayo ng mga kasama niya, grupo pala nila ang kanina pang tinitilian ng mga babae. Well, they're all handsome. Matatangkad at payat. Liar. They got firm biceps, b***h. Some of them have their hair dyed. Their faces are familiar, hindi ko lang alam kung saan ko sila nakita o kung nakausap ko na ba sila. But I know to myself, I already saw their faces. Buong akala ko ay susugudin kami ng lalaking yon pati ang mga kasama niya, nag simula lang silang mag laro na puno ng sama ng loob. Muli akong napa ngiwi nang mapunta sa gawi ko ang bola, mula na naman sa kalaban nila Warren. "Isa pa talaga, uupakan ko na kayo!" Geo tells them in his dangerous voice. Naka nguso kong sinipa ang bolang nasa paanan ko. Siguro dapat na akong lumipat ng pwesto? Mukhang hindi matatapos ang laro nila na hindi ako nag kakapasa e. I mentally face palmed when I saw Denise taking pictures, naka zoom in pa sa lalaking natamaan ng bola ni Warren sa likod. Napa irap ako nang maalala ang sinabi niya noong bagong bili ang phone niya. Dapat daw ay malinaw ang camera para maka hanap ng pogi. Dapat telescope nalang ang binili niya. "Woi," I spat her, "Tapon ko lang 'tong cup." She nod absentmindedly, still eying those guys. My eyes rolled again. Tumayo ako at iniwan siya. Sa kasamaang palad ay nasa pwesto ng kalaban nila Geo ang labasan kaya wala akong nagawa kung hindi mag lakad papunta sa gawi niya. Naka yuko ako kung mag lakad, takot na matamaan ng bola. Hidi naman sa masakit yon pero parang ganon na nga. Ilang beses na akong natamaan niyan, pasa kaagad. "Hoy." Kusang lumingon ang ulo ko papunta sa natamaan ni Warren ng sumitsit siya. He's still crounching, ready to receive a ball. Natigil ako sa pag lalakad at tinaasan siya ng kilay. Moreno siya at mukhang pilipino talaga. He have a pointed nose, thick eyebrows and sharp eyes. Gosh, gwapo nga. My eyes widened when a ball landed on his forehead, making his body fall to the ground. I heard gasps and laugher from the crowd but I only focused on his pained groan. Mas nauna pa akong tumakbo papalapit sa kaniya kesa sa mga kasama siya. I don't know if that's allowed but that doesn't matter anymore. "Hey, are you okay?" I asked him. Namumula ang noo niya dahil sa pag kakatama. Nang hawak ko yon ay napa mura siya. "Gago, ayos ka lang?" Sa wakas ay nilapitan na din siya ng mga kasama niya. Sa kabilang banda ay nahagip ng paningin ko ang pag kunot ng noo ni Geo, sinamaan ko siya ng tingin. I stepped backwards when a moreno tall guy held his wrist. Buong akala ko ay bubuhatin nila siya pero hindi ganon ang ginawa nila. "Tangina ka talaga, Desmond!" Anas ng lalaking natamaan nang hilain siya nung Desmond palabas ng court. I was left dumpfound. --- "Oy! Si Leira concern doon sa lalake!" Denise kept on repeating those words after that incident. "Akala ko nga naputol na spinal cord n'on, matibay pala," ani Geo na siya palang dahilan ng bolang tumama sa noo nung lalaki. I really pity that boy. "Ansama nung bagsak!" Malakas na tumawa si Steve, "Rinig na rinig yung kalabog." Nandito kami sa karinderyang malapit sa court para mag dinner bago tuluyang umuwi. Ala sais na ng gabi kaya medyo madilim na. Mga nag palit na din sila ng damit dahil mga basang basa ng pawis mula sa pag lilikot. I grabbed my tumbler and drank the water in it, "Lakad lakad muna ako doon." Warren narrowed his eyebrows, "Baka may mang harass sayo." "O habulin ka ng aso," Paolo added. "Naks, protective brothers," I tell them in thick sarcasm. Lumabas nalang ako doon kahit na hindi siya sumang ayon. Dinukot ko mula sa bulsa ang airpods ko tsaka iyon ikinonekta sa cellphone ko. Pumipili pa lamang ako nang marinig ko na naman ang mga boses ng kaninang mga kalaban nila Warren. Mukhang hindi nila ako napansin dahil halata namang busy sila sa pang aasar sa kasama nilang natamaan ng bola sa noo. The one who looked like a chinese. "Uh, good evening?" I greeted them awkwardly. Lahat sila napatigil sa pag uusap at pag lalakad, sabay sabay na napa tingin sa akin. I gave them a warm smile. Kahit madilim na, ang gwa-gwapo pa rin. "Ganda," sabi ng lalaking natamaan sa noo. Sinubukan niyang tingnan ang noo niyang may gauze kaya napa tingin din ako doon kaso mabilis niyang tinakpan, "Ano yon?" "Kase," come on, Lei! Say it! Mga gwapo 'yan at maganda ka naman, "Gusto ko kaseng mag sorry tungkol diyan sa noo mo. Yung kaibigan ko kasi ang–" "Hoy! Tangina niyo, nag hahanap kayo ng chix habang wala ako ha!" Someone yelled. Nalipat ang atensiyon namin sa kaniya. Another good looking guy was running towards us but when out eyes met, he stopped from his track. He was an art. His dyed blue hair was top-knotted, showing his baby bangs. Halatang silky and buhok niya. He have porcelain skin that could compare to mine. His forehead is small then if you'll look downward, you'll see his thick eyebrows, small brown eyes, pointed nose and cute lips. His eye widened as he dramatically covered his mouth with his hand. Naka turo pa talaga sa akin ang isa pa niyang kamay. "OA mo, Eren," Puna sa kaniya ng isa sa mga kaharap ko ngayon pero hindi siya nito pinansin. Eren pala ang pangalan. Nods. "Hala, gago. Soulmate ko, ikaw na ba yan?!" Ang mga mata ko naman ang nanlaki nang mabilis siyang tumakbo at pinisil ang pisngi ko. Nang gigigil at nakaka gigil. Ghad! Anong akala niya sa akin? Sponge?! "Tangina ka. Halika nga dito!" Hinila siya ng pinaka matangkad palayo sa akin, "Tama na. Hina-harass mo na tanga." "Gago, ang ganda niya. Para siyang manika, anlambot pa 'nung pisngi. Akala mo siopao. Amputi pa!" Pakiki chismis nung Eren bago niya kinalbit ang kasama niyang may bukol, "Oy, kulas." Kulas? Pa siring siya nitong nilingon, "Bakit?" "Luh? Anyare diyan sa noo mo? Tinutubuan ka na ba sa noo ng ti–" The man named Desmond shoved something on his mouth. "Ingay mo." Papel ba iyon? Saan yon galing? Eren spitted it out, "sadista!" Hindi ko na siya pinansin. Binalingan ko nalang ang tinawag niyang kulas, yung natamaan ng bola, "I'm really sorry for what my friend did." "Ayos lang–" "Gago. Ang ganda talaga." Pare-parehas kamin napa lingon kay Eren dahil sa bulong niyang rinig na rinig naming lahat. He's staring at me like I'm some kind of art, he's smiling and a little bit blushing. I was taken aback when he covered his face with his hands then chuckles. Tumalikod pa siya, mukhang nahihiya. "Kadiri amputa." Bago muling humarap ang lalaking 'yon, muli kong nginitian si kulas bago tumalikod. Bumalik at pumasok na ulit sa karinderya kung na saan sila Warren. "You're blushing," kunot noong puna niya sa akin. Napa hawak ako sa sariling pisngi, I pouted my lips to stop it from smiling. Well, ang cute kiligin nung Eren. Sabay sabay na kaming lumabas sa pag kakataong ito, wala na ang grupo nila Eren kaya tahimik kaming naka sakay sa mga dalang kotse. Pangiti ngiti pa rin ako habang nasa biyahe, good thing, kay Geo ako nakisabay at walang kasamang judgmental na Denise. Nang makauwi ay dumeretso agad ako sa kwarto ko. "How are they?" I asked my little brother when I caught him playing with my kittens. Nataranta siya at agad na pinagpagan ang kamay at damit, "Hindi ko sila inupuan!" Napa ngiwi ako dahil sa sinabi niya. Sa sobrang sutil niya, iniuupuan niya noon sila Waffles kaya nagalit ako at nasigawan ko siya. Siguro ay nadala na kaya ayan, natataranta. Inilapag ko sa kama ang dala kong bag tsaka lumapit sa kaniya. Kinuha ko si Waffles at pinahawak yon sa kaniya. He smiles but I can still sense his nervousness. "You can play with them as long you're not hurting them," I tells Mike and handed him he kittens. Waffles and Pepperoni. His eyes delighted with amusement, "Really?" Marahan akong tumango, "Basta wala kang sasaktan sa kanila. Ang liliit pa nila oh." "Promise, I won't!" Aniya pero parang naka limutan niya din agad nang umupo siya at hinawan ang buntot ni Waffle tsaka iyon pinaikot ikot hanggang gumegewang gewang na. Napa iling naman ako. I took a half bath and when I got out from the bathroom, he's already asleep on the floor with Pepperoni on his chest. Inilagay ko muna sila Pepperoni at Waffle sa kulungan nila pinagpagan ang damit ng kapatid ko at buhatin siya papunta sa kwarto niya. Doon ko siya nilapag sa sarili niyang higaan bago bumalik sa kwarto ko at natulog. --- "Lei, my friend!" I glared at Denise when she entered here in my art room without even knocking. Muntikan ko pang madiinan ang hawak kong lapis sa kaharap kong canvas dahil sa kaniya. "You're scaring the s**t of me," I informed her. Tinalikuran ko siya at muling nag focus sa ginagawa ko. I'm sketching someone I really don't know. First name lang ang alam ko. Eren. I don't why I'm doing this but his face didn't left my mind for days so I decided to sketch again then boom, mukha niya na pala ang ginagawa ko. "Hindi ka kase nag re-reply sa mga messages ko, di ka rin sumasagot sa mga tawag kaya pumunta na ako," pag kwekwento niya, tango lang ako ng tango, "Akala ko nag bigti ka na kaya pumunta na ako. I brought cake– holy s**t, Lei! Who's that?!" Napa ngiwi ako nang tumabi siya sa akin. Tinitigan niya ang ginagawa ko, bukas pa ang bibig at manghang mangha. Di ko alam kung dahil ba sa skills ko o dahil sa gwapo ang ginagawa ko. "Where did you met him?" She asked, still eying on my artwork. "At Graseria three days ago," I won't give her the details, of course. "Grabe, kuhang kuha mo mukha," aniya kaya kumunot ang noo ko. "Kilala mo?" "Duh! Si Eren kaya yan! Taga GSU kaya siguro di mo kilala but friend, ampogi niyan oh!" "Whatever– don't touch it!" I spat her hands when she tried to touch his hair. "Arte." His hair was well, uh, detailed as his eyes and nose. Plus his lips. I grimaced. Sige lahat na detalyado. His face was stoic here, I just imagined him being serious. 'Yan ang kinalabasan. The left side of the canvas was much more darker than the right side, making him looks so sexy in the dark. "Pag katapos mo sabihin mo sakin. Bigay natin sa kaniya." "No way!" Tanggi ko kaagad, "Baka isipin niya iniimagine ko lagi ang mukha niya kaya ganiyan ang nagawa ko!" She gave me that duh look again. "Edi sabihin mo nakita mo yang ganiyan niyang itsura then siya ang napili mong i sketch! Utak pairalin ha!" Itunuro niya pa ang sentido niya, "o baka naman balak mong isabit yan sa pader ng kwarto mo?" "Ofcourse not!" "Edi ibigay nga natin!" Sa huli ay mabilisan niya sa akin pinatapos 'yon. Tili pa siya ng tili habang ginagawa ko ang pinaka hihintay niyang portrait. Nang matapos ay kinuhaan niya ako ng litrato, she also pursued me to upload it on f******k and insta, tagging that Eren Guidafalle. My anxiety got higher when she squeal. Telling me that Eren commented on my photo with his portrait. Eren Guidafalle: gwapo naman niyan. Nakaka proud. "Just tell him that I'll give him this portrait," utos ko kay Denise at tinalikuran siya. Nanginginig pa rin ang kamay ko, kinakabahan. "E, kung ikaw kaya makipag usap? Ikaw kaya ang nag sketch–" "Just DM him using my account!" Dapat ba singilin ko siya para hindi ako mag mukhang follower niya? But he'll think that I'm poor and badly needed money. Fuck overthinking. "Lei–" I grabbed my phone and left her in my art room. Lumabas ako ng bahay not minding my hair thrown on a messy bun, spaghetti top, pajama and bunny slippers. Para ako nitong batang nag hahanap ng taho sa umaga. Umupo sa gutter ng harap ng bahay namin. I opened my phone, I didn't want to open my messenger and see what Eren replied on Denise messages. What if he just ignored it? What if he doesn't care at all? Argh! Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. Bakit ko pa ba kasi siya ginawan ng portrait?! Umangat ang tingin ko sa Mio na tumigil sa mismong harapan ko. Mabilis akong tumayo nang tanggalin ng rider ang helmet niya at tumambad sa akin si Eren. I watched him pushed his hair back and grin, "Hi, babe."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD