Episode 14

1629 Words
“MABUTI at ako ang tinawagan mo,” sabi ni Cyrus nang dumating siya dahil siya ang unang taong naisip kong tawagan na makatutulong sa akin. Buti na lang binigay niya sa akin ang kanyang cell phone number. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko at hindi ko nasagot ang sinabi niya. Ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito ay hinang-hina. Pakiramdam niya ay bibigay ang kanyang katawan. Iniisip ko lamg talaga ang anak ko. Naaawa ako sa kanya dahil nasa sinapupunan ko palang puro hirap na ang nararamdaman niya. Dito ako sa tinutuluyan ni Cyrus ako magpapalipas ng gabi. Bahala na bukas kung saan ako makakarating. “Here drink the water para magkaroon ka ng lakas. Baka mahimatay ka na naman.” Nag-aalalang sabi nito. Kinuha ko ang tubig at ininom iyon. “Maybe you should rest. You need it for your baby.” Natigilan ako. Napahawak ako sa tiyan ko. Sorry anak nakalimutan na kita. Magmula ngayon ikaw na lang ang iisipin ko. “Salamat Cyrus kahit kailan lang tayo nagkakilala hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako at patuluyin dito sa tinitirhan mo.” Napangiti siya sa akin. “Ayos lang yun kahit sino tutulungan ko hanggat kaya ko.” Napatingin ako sa loob ng bahay niya. Hindi ko akalaing may kaya pala itong si Cyrus. Nakatira kasi ito sa condo. Pero sabi niya sa akin dalawa daw ang trabaho niya. Taxi driver sa umaga at sa gabi entertainer daw siya. Hindi ko na naitanong kung anong klaseng entertainer iyon. “Feel at home. Kung may kailangan ka pa don’t hesistate to ask me.” Napangiti ako. May napansin din ako sa kanya. Hindi mo siya mapagkakamalang mahirap. The way he speaks parang may pinag-aralan siya. Ano ba itong naiisip ko. Dapat nga pasalamatan ko siya sa pagpapatuloy sa akin. Paano na lang kung wala? Malamang sa kalsada ako mag-stay. “Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin sa condo mo. Makakabayad din ako pagdating ng araw. Hayaan mo ako ang magluluto at maglilinis dito sa bahay mo. Ayoko namang maging pabigat sa iyo,” sabi ko. “Huwag ka lang magbubuhat ng mabigat. Ayos lang na magluto pero sa paglilinis ako na lang. Kaya ko namang gawin ang gawaing bahay. Matagal na akong walang kasama dito.” Aniya. Pansin ko nga na malinis ang bahay niya. Hanga ako sa kanya dahil masinop siya. Hindi kagaya ni Fernan kung hindi ko pa ayusin ang silid niya parang sinabugan ng bomba sa sobrang kalat. Paano na yan wala na ako? Sinong maglilinis ng bahay niya? Pilit kong inalis sa isipan ko si Fernan. Bakit ko pa iisipin ang lalaking iyon? Bahala siya sa buhay niya. Sarili ko naman ang isipin ko at ang magiging anak ko. “Dito ka sa isang silid. Dalawa naman ang silid dito.” Binuhat ni Cyrus ang malaki kong bag. Sinamahan niya ako sa silid na sinasabi niya. May malaking kama at may cabinet. Maaliwalas ang silid dahil sa pintura nito kulay krema. May sofa sa isang sulok at center table. Sa palagay ko hindi ito pangkaraniwang condo lang. “Wala ka bang kasama dito? Baka kasi biglang dumating ang kasama mo wala siyang matuluyan.” He chuckle. “ I told you I am alone here. Pinasadya kong merong kama dito sa isang silid kung sakaling magpunta dito ang kaibigan ko at makikitulog.” Anito. Panibagong buhay kong wala si Fernan sa tabi ko. Kailangan kong magtrabaho upang may pera ako sa panganganak ko. Nakahihiya naman kung kay Cyrus ko pa iasa ang pangangailangan ko. Malaking tulong na itong pinatuloy niya ako dito. Ayokong abusuhin ang kaibaitan niya sa akin. Itutuloy ko ang pagtitinda ko ng sweets tutal iyon lang ang alam kong gawin. Napaupo ako sa sofa habang nakahawak sa ulo ko. “Fernan, bakit mo pa iniisip ang babaeng iyon? Mabuting wala na siya dahil malaya na tayo. If I were you mag-file ka na ng annulment.” Napaangat ako ng ulo nang sabihin iyon ni Leila. Hindi siya nakakatulong sa akin. Imbes na tumahimik ang mundo ko naririndi ako sa boses niya. “Please, will you shut up. Hindi ka nakakatulong sa akin. Ang inaalala ko si Mommy at hindi si Bernadette. Kapag nalaman niyang umalis ang asawa ko siguradong magagalit iyon sa akin.” Napasabunot ako sa buhok ko. Sana nag-iingat ako! “Eh, di sabihin mong umalis si Bernadette at hindi mo alam kung bakit.” I snap. Hindi talaga siya nakakatulong sa problema ko. Why should I take her advice? Baka mas lalo lang magalit sa akin si Mommy kung susundin ko ang suggestion niya. Tumayo ako at napahagod sa buhok ko. Ilang buntonghininga ang pinakawalan ko. “Ito na ang pagkakataon natin. Wala na si Bernadette kaya malaya ka na. Maybe ito na ang oras para magsama na tayo.” Udyok niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. “Hindi ba mahal mo?” tanong nito na hindi ko sinagot. Yumakap siya sa beywang ko. Napapikit ako ng mariin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nang umalis si Bernadette nakaramdam ako ng takot. Takot na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ko alam kung bakit? Dapat masaya ako na umalis na siya at pinalalaya na niya ako. Hindi ba ito naman ang gusto ko? Ang umalis sa buhay ko si Bernadette? Ngunit bakit ako nakaramdam ng panghihinayang? Inalis ko ang kamay ni Leila na nakayakap sa beywang ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Please umalis ka muna. I want to be alone. Maybe this isn’t the time to talk about us.” Pakiusap ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng hindi makapaniwala. “Dapat nga masaya ka dahil wala ng hadlang. Siya na mismo ang umalis. Hindi ba yan naman ang gusto mo umalis si Bernadette? Pinagbigyan ka na ng babaeng iyon. Bakit parang nagsisisi kang umalis siya? I don’t get you Fernan.” Hindi ako nakasagot sa tanong nito. Natigilan ako. Ano nga ba? HALOS mag-apoy sa galit si Mommy nang malaman niyang umalis ng bahay si Bernadette. Hindi ko sinabing nahuli kami ni Leila na may ginagawang milagro. Ang tanging sinabi ko ay nag-away kami at mayroon hindi pagkakaintindihan. “Do you think maniniwala ako sa paliwanag mo? I am really disappointed in you. Mas lalo mo lang pinasama ang loob ko.” Hahawakan ko sana ang kanyang kamay nang lumayo ito. I see tears in her eyes. “You better not to talk to me. Ang kaawa-awang Bernadette saan naman mag-stay ang batang iyon? Walang kamag-anak na kilala si Bernadette dito sa Maynila. Nag-aalala ako sa kalagayan niya. Hanapin mo si Bernadette. Ikaw ang may kasalanan kung bakit naglayas iyon! Masyado mong sinasaktan ang loob niya. Wala kang konsensya. Alam kong nagdiriwang ka dahil umalis na siya. Wala kang puso.” Natahimik ako at hindi nakapagsalita. Nang dahil sa galit ko sa babaeng iyon napaiyak ko si Mommy. KUMUHA ako ng taong maghahanap kay Bernadette. Kahit inis ako sa babaeng iyon may konti naman akong pag-aalala sa kanya. Wala siyang kamag-anak dito. Kami lang ni Mommy ang tanging kakilala niya. I don’t like to admit it, but I'm guilty of what I did. Bernadette has been away for five months, and we still haven’t found her. The person I hired to find her has provided no leads as to her whereabouts. Binalibag ko ang report na ibinigay niya sa akin. Mommy is still not talking to me. She was very disappointed in me. Every time dinadalaw ko siya ayaw niyang makiharap sa akin. Nasasaktan ako sa pakikitungo sa akin ni Mommy. Bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok si Leonardo na salubong ang mga kilay. “Anong ginagawa mo dito? Wala ako sa mood makipag-usap sa kahit kanino!” Masungit na sabi ko. Sinamaan ako ng tingin ni Leonardo. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at kinuwelyuhan niya ako. “Gago ka talaga! Wala kang awa!” Sabi ni Leonardo. Napakunot noo ako sa sinasabi niya. Marahas ko siyang itinulak. “What are you talking about? You suddenly barge here then you gonna say that word? Mas gago ka!” Inis na sagot ko. Nagtagis ang panga ni Leonardo. “Paano mo natiis na magtinda sa labas ang asawa mo? Alam kong sagad hanggang langit ang galit mo sa kanya pero maawa ka naman sa tao. My god, Fernan asawa mo siya. Nagpunta sa akin noong isang araw si Bernadette. Hinahayaan mo lang na magtinda? Bakit naghihirap ka na ba at hindi mo mabigyan ng suportang pinansyal ang asawa mo? Are you out of your mind? Nakunan ang asawa mo noong una dahil sa kagagawan mo at ngayon buntis uli siya. Paano kung makunan ang asawa mo? Wala kang awang gago ka.” Inis na sabi sa akin ni Leonardo. Hindi ko pinansin ang pagmumura niya sa akin. Ang nakatawag ng pansin ko ay ang sinabi niyang buntis si Bernadette. “Do you know where she is now?” Mas kumunot ang noo ni Leonardo sa tanong ko. “What? Bakit tinatanong mo sa akin kung nasaan siya? Hindi ba nakatira si Bernadette sa bahay mo? Bakit sa akin mo itinata -” naputol ang sinasabi niya nang may na-realize siya. “Don’t tell me wala sa poder mo si Bernadette?” Tiningnan niya ako ng hindi makapaniwala. “Fernan, hanggang kailan mo sasaktan ang pobreng babae? Sumusobra ka na. Alam mo ba iyon? Will you f*****g move on to Isabella? She is not, and will never be, yours. Masaya na siya sa piling ni Chris at kanilang mga anak.” Nagtagis ang bagang ko sa binanggit niyang pangalan. I hate him so much. Dahil sa kanya nagulo ang buhay ko. Kung hindi siya dumating sa buhay ni Isabella masaya sana kami ngayon. Sana siya ang pinakasalan ko at hindi si Bernadette.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD