EPISODE 18

2089 Words
“MOMMY, ilagay niyo na lang muna sa cabinet ang mga damit. Ako na lang po ang mag-aayos mamaya.” Sabi ko sa kanya. Nahihiya akong siya pa itong mag-aayos. Although medyo mahina pa ako pero kaya ko naman kumilos. Dahan-dahan nga lang. Napatingin kami sa kuna nang marinig ko ang iyak ng anak ko. Mukhang gutom na ito. Marahan ang pagtayo ko dahil masakit ang tahi. Nilapitan ko ang kuna ng anak ko. “Ako na ang bubuhat sa apo ko. Hindi ka pa pwedeng magbuhat ng mabigat dahil kapapanganak mo lang.” Aniya saka inunahan niya akong buhatin ang anak ko. Napangiti ako. Nagpapasalamat ako sa pag-aalaga niya sa akin. “Pasensya na po kayo kung pabigat pa ako sa inyo. Hayaan niyo po kapag nakabawi ako ng lakas ako na po ang mag-aalaga kay Abigail.” “Ano ka ba? Ayos lang sa aking alagaan ang apo ko. Hindi kita pinupwersang gumawa ng gawaing bahay. Sa katunayan kumuha ako ng katulong para hindi ka mapagod.” Wala akong nagawa kundi sumunod na lang. NAPAKUNOT ng noo si Fernan nang makarinig ng iyak ng sanggol habang nakasilip sa siwang ng pinto. Siya ba ang tinutukoy ni Gavin kanina na nakita niya? Umawang ang labi niya nang makita ang sanggol na hawak ni Mommy. K-Kaninon anak iyon? Bakit apo ang sabi ni Mommy sa baby? Hindi kaya nagbunga ang nangyari sa amin ni Bernadette? Napahawak ako sa hamba ng pinto dahil nanghina ako. Sh*t may anak ako! Napasulyap uli ako sa sanggol na hawak ni Mommy. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. May kung ano akong naramdamang kasiyahan sa puso ko. Tila nasabik akong makita ang mukha ng sanggol at may nagsasabing puntahan ko sila at hawakan ang sanggol. Ngunit napangunahan ako ng hiya. Hiya sa ginawa ko kay Bernadette. I have no right to hold the baby. Napahawak ako sa kaing dibdib nang sumikip ito. Napahigpit ang kapit ko sa hamba ng pintuan. Bago pa ako maging emosyonal at marinig pa nila ang paghikbi ko tumalikod na ako at umalis. May pagmamadaling naglakad ako palabas ng bahay. Kailangan kong makaalis dito. Pakiramdam ko hindi ako makahinga kapag nandito ako. NANGUNOT ang noo ni Mommy nang makita niya ako sa bahay niya. I decided to visit her. Ilang araw magmula nang makita ko ang baby ni Bernadette. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Mommy habang taas ang isang kilay nito. “Sinong ama ng anak ni Bernadette?” diretsahang tanong ko. Nagulat ang mukha ni Mommy dahil sa biglaang tanong ko. “Saan mo naman nalaman iyan? Kasinungalingan.” Aniya. Seryoso kong tiningnan si Mommy. “I saw you and Bernadette. At narinig kong sinabi mong apo. Ako ba ang ama ng batang iyon?” Ilang minutong nakatitig lang si Mommy sa akin at walang imik. Napasunod ang tingin ko nang umupo sa sofa si Mommy. “Ipalagay na nating anak mo iyon. May karapatan ka bang maging ama sa kanya? Sa una palang hindi mo na tinatanggap si Bernadette. What more sa anak niyo?” Umiling si Mommy. “You don’t deserve them, Fernan. Sa lahat ng ginawa mo kay Bernadette dapat lumayo ka na lang sa kanya. Masyadong madami ng sakit ang idinulot mo kay Bernadette para magpakita ka pa sa kanya. Tama na Fernan. Just leave her alone and let her be happy.” Seryosong sabi ni Mommy. “Sagutin niyo ang tanong ko Mommy. Ako ba ang ama ng anak niya?” Tumingin sa ibang direksyon si Mommy. “Pakiusap umalis ka na Fernan bago pa ako mainis sa iyo. May kasalanan ka pa sa akin kaya hindi pa kitang kayang kausapin!” inis na sabi nito. “Mom, please. Tell me if I am the father. Alam kong marami akong naging kasalanan kay Bernadette, but it doesn’t mean na ganoon din ako sa magiging anak ko. Inaaamin ko naman ang kasalanan ko. Intindihin niyo naman ang nararamdaman ko. You push me to like Bernadette kahit may ibang mahal ang puso ko.” “Leave! Ayokong marinig ang paliwanag mo. Sa tanong mo kung ikaw ba ang ama ng anak ni Bernadette. Hindi ikaw ang ama kaya magsaya ka na. Huwag mong gawing reason ang bata sa kasalanan mo sa akin at kay Bernadette. Dahil kahit anong gawin mo hindi mababago ang sakit na idinulot mo sa akin at mas lalo kay Bernadette.” “Mom. . .” tawag ko rito ngunit hindi na niya ako pinansin. “Please leave!” pagtataboy niya sa akin. Wala akong nagawa kundi bagsak ang balikat na umalis. NGAYON ang unang gabi na katabi ko ang baby ko. Sinigurado kong tadtad ng unan ang paligid ng kama ko. Napangiti ako ng matitigan ang anak kong himbing na himbing sa pagtulog. Hinaplos ko ng hintuturo ang maliit na noo ni baby Abigail. Kumunot ang noo niya. Kaya napangiti ako. Kuhang kuha niya kung paano kumunot ng noo ang ama niya. Tumayo na ako para ayusin ang mga iba pang damit ni baby Abigail na binigay ni Mommy Lilly. Lumabas muna siya at may kukunin daw sa bahay nito. Nakarinig ako ng kalabog sa labas ng silid ko kaya nagpasya akong tumayo para I-check kung may tao sa labas. Pero wala akong nakitang ibang tao. Napatingin ako sa isang silid na nakabukas. Pumasok ako doon pero wala namang tao. Napatingin ako sa bintana na naka-open. Ang mahabang kurtina ay inililipad ng hangin na nagmumula sa labas. Sinarado ko na lang ang bintana. Napatingin ako sa closet nang bubuksan ko sana dumating si Mommy Lilly. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sa akin. “Sinarado ko po ang bintana.” Nakangiting sabi ko. Napasulyap ako sa kasama niyang dalagita. “By the way kumuha ako ng makakasama mo. Siya ang magluluto at maglilinis ng bahay para hindi ka mahirapan sa pag-aalaga kay baby Abigail.” “Ako nga po pala Ma’am Bernadette si Luna De Castro. Labing walong taong gulang na po. Kaya ko pong maglaba, magluto at magsibak ng kahoy. Yan po kasi ang gawain ko sa probinsya namin. Taga Basco Batanes po ako. Sumama lang po ako sa pinsan ko na nagtatrabaho kay Ma’am Lilly. Huwag po kayong mag-alala mabait po ako at hindi po ako nangangagat.” Napangiti ako sa kanya. Mukha namang mabait ang bata. Naalala ko sa kanya ang sarili ko. Labing walong taong gulang din ako noon naging katulong ako ni Mommy Lilly. Yun din ang time na magsimulang makaramdam ako ng pag-ibig para kay Fernan. Palihim kong tinitingnan siya noon. Kahit hindi niya ako pinapansin kapag nasisilayan ko na siya noon masaya ako. “Kinagagalak kitang makilala. Tawagin mo na lamang akong ate Berna.” Sabi ko. “Maiiwan ka muna dito, hija. Uuwi muna ako sa bahay ko para asikasuhin ang mga halaman ko.” Sabi ni Mommy Lilly. Nagpaalam na siya kaya naiwan kaming dalawa ni Luna. “Ma’am, ay ate pala. Nasaan po ang asawa niyo?” Napatigil ako sa pag-aayos ng kumot ni baby Abigail. “Wala siya dito.” Sabi ko. Ayaw kong pag-usapan si Fernan. Sinusubukan kong kalimutan siya para maka- move on na ako ng tuluyan. Kapag nag-isang taon na si baby Abigail, aasikasuhin ko ang annulment namin ni Fernan. Napansin naman ni Luna ang pananahimik ko. Hindi na siya nagtanong about kay Fernan. Masipag naman si Luna. Siya lahat ang gumagawa sa bahay. Kaya kay baby Abigail lang ang atensyon ko. Hindi muna ako natutulog dahil tinitigan ko muna ang baby ko. Hindi talaga ako makapaniwalang sa pangalawang pagkakataon ina na ako. Akala ko hindi na mangyayari ito magmula ng mawala ang panganay ko. Hinaplos ko ang maliit na pisngi ng anak ko. “Baby Abigail, aalagaan kita anak. Ibibigay ko ang lahat ng pagmamahal sa iyo.” Nakatulugan ko na ang pagtitig sa anak ko. “SIR, nakatulog na po si Ma’am Bernadette. Puwede na po kayong pumasok sa loob. Grabe muntik na tayo kanina, Sir!Mabuti na lang dumating si Ma’am Lilly.” Sabi ni Luna. Siya ang kinuha kong mag-aalaga sa mag-ina ko. Buti pumayag si Mommy sa hiling ko. Nangako akong hindi ako magpapakita kay Bernadette. “Salamat Luna sa tulong mo.” Nakangiting sabi ko. Pinuntahan ko ang silid ni Bernadette. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay. Ayokong magising ang mag-ina. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito? Nang makita ko ang baby parang nagkaroon ako ng interest. Napabuntonghininga ako. Kinumutan ko si Bernadette at pinahinaan ang aircondition. Baka lamigin ang baby at si Bernadette. Hindi ko namalayang napangiti ako. MAAGA akong nagising at nagpunta sa bahay nila Bernadette. Nagluto ako ng agahan nito. Napag-isipan kong mabuti kagabi na gusto kong bumawi sa kasalanan ko sa kanya sa pamamagitan ng pagsisilbi kahit palihim. Binago ang galit ko dahil sa anak ko. “Hindi pa ba gising si Bernadette?” tanong ko kay Luna nang pumasok sa kusina. Pupungas-pungas pa ito. “Sir naman alas kuwatro pa lang ng madaling araw natural lang na hindi pa sila gising.” Naghikab si Luna habang itinaas ang dalawang kamay nito. Natawa ako ng mahina. “Ako na ang magluluto ng almusal. Basta magbantay ka lang diyan sa pintuan kung bababa na si Bernadette.” Sabi ko sa kanya. Sumaludo sa akin si Luna bilang pagsang-ayon sa utos ko. Nang matapos ko ang pagluluto umalis na din ako para pumasok sa trabaho. Nakapagtatakang napakagaan ng pakiramdam ko dahil sa pagluluto ko ng umagahan ni Bernadette. Ito ang paraan ko upang makabawi. Sa totoo lang kulang pa nga itong ginagawa ko. “Mukha yatang maganda ang mood mo, ah?" sabi ni Gavin nang dumating ito. “Nagkaayos na ba kayo ni Bernadette?” tanong nito. Napaangat ako ng tingin at napatitig sa kanya. Sa sinabi niyang iyon hiniling kong sana magkaayos na kami. “How I wish.” Tipid na sabi ko. Natawa si Gavin. Sinamaan ko siya ng tingin. “Mahal mo na ba?” natigilan ako sa sinabi niya. Ilang segundong nakatitig lang ako kay Gavin at hindi nakaimik. Napailing ako. “I don’t know.” Tipid na sagot ko. “Well, hindi naman ganoon kadaling maramdaman ang pag-ibig. It takes time you to feel that. I know you still love Isabella.” Napabaling sa iba ang tingin ko ng banggitin niya ang pangalan ni Isabella. Tama si Gavin I still love Isabella. Although gusto kong magkaayos kami ni Bernadette, but it doesn’t mean I love her. Bumuntong hininga ako. “Ginagawa mo lang ba iyan dahil nalaman mong may anak kayo? O dahil may nararamdaman ka na para kay Bernadette.” “I just want to be honest. Yes, I am doing this dahil sa nalaman kong may anak kami. Ngunit wala akong maramdamang pag-ibig para kay Bernadette. Gusto ko lang bumawi sa naging kasalanan ko sa kanya. Maybe dahil ayokong may masabi ang anak ko pagdating ng panahon na sinaktan ko ang kanyang ina.” Pag-amin ko. “Kung ganoon lang pala ang nararamdaman mo kay Bernadette huwag mong paasahin ang tao. Alam mong mahal ka niya. Aasa iyon at mag-iisip na kaya mo ginagawa ang pag-aasikaso sa kanila dahil may pagtingin ka na sa kanya. Mas mabuting sabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman kaysa maglihim ka. Mas lalo mo siyang masasaktan, Fernan.” “Wala pa akong sapat na lakas upang aminin ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Mas mabuting ganito muna ang gawin ko palihim muna para naman hindi siya mabigla.” At ang isa ring dahilan kaya ginagawa ko ito ay para makita ni Mommy na hindi ko na sasaktan si Bernadette at upang mapatawad na niya akong tuluyan. “Don’t use Bernadette to obtain your mother’s forgiveness. Masyado mo lang pinalalala ang sitwasyon. What if malaman ni Tita na hindi ka naman pala seryoso kay Bernadette? Mas lalo mo lang palalalain ang galit ni Tita sa iyo. Be honest, Fernan to them. Mas magandang tapat ka sa mga sinasabi mo. Huwag mong gayahin ang mga ginawa ko sa mag-ina ko. Na hanggang ngayon galit pa rin sila sa akin.” Sabi ni Gavin. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito. “Mas matakot ka kung habangbuhay ka ng kasusuklaman ni Bernadette. Hindi maganda na wala kang gagawin at mananahimik na lang habangbuhay. Sabi nga nila hindi mo malalaman ang kasagutan hanggat hindi mo sinusubukan. Take the risk brod kung ano man ang mangyayari. Atleast sinubukan mo at wala kang regret sa huli.” Payo nito sa akin. Napaisip ako sa sinabi ni Gavin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD