Episode 3

1841 Words
KAHIT tatlong buwan na ang nakararaan hindi pa rin matanggap ni Fernan ang pagkawala ni Isabella. Matinding galit ang nasa puso niya sa lalaking umagaw sa babaeng mahal niya. Kung hindi lang pumasok ang lalaking iyon sa buhay ni Isabella. Malamang ngayon ay asawa na niya ito. Mahal niya si Isabella kahit may mga anak na ito. Balewala lang sa kanya iyon dahil ituturing ko silang mga anak ko. Ngunit sadyang tuso ang lalaking iyon dahil ginamit nito ang mga anak para makuha niya si Isabella sa kanya. He was about to go inside his room when he saw Bernadette approaching me. His brows furrowed. “What do you need?” He inquired. She even appears hesitant to speak. “Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin!” tumaas ang tono ng boses niya dahil sa nararamdamang inis sa babaeng nasa harapan niya. Hindi niya alam kung bakit mabigat ang dugo niya kay Bernadette kahit wala naman itong ginagawang masama. “F-Fernan may s-sasabihin ako.” Nauutal na sabi nito. Nagyuko ito ng ulo at pinagsiklop ang mga kamay na nanginginig. Kunot na kunot ang kanyang noo habang nakatitig sa kanya. “What?!” inis na tanong niya. Binibitin pa kung ano ang gusto niyang sabihin. “Look, I’m very tired.” Inis na sabi ko. Hinintay ko ang sasabihin niya. Ngunit parang natigilan ito at hindi nagsalita. Parang wala na siyang balak magsalita. “Shall we just stare at each other here? You’re wasting my time if you have nothing to say!” Inis na turan niya. Sinamaan niya ng tingin si Bernadette. “B-buntis ako.” Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I approached her and violently grabbed her arm. She winced in pain. “F-Fernan nasasaktan ako,” reklamo niya. “Masasaktan ka talaga sa akin! Alam kong plano mong lahat ng ito! Sinabi mo ba kay Mommy na buntis ka?!” I almost squeezed her arm. She winced in pain. I don’t care if she hurts. She slowly nodded. I let her go and laughed like a fool. “I knew it plano mo talaga ito! You b***h!” I touched her jaw. She made it cry. “Hindi mo ako maloloko, Bernadette. Alam mong hindi papayag si Mommy na hindi kita panagutan! Kaya sinabi mo na kaagad sa kanya!” sabi ko. Marahas kong binitawan ang panga niya. Halos mapasubsob siya sa lakas ng ginawa ko. Napaiyak si Bernadette. Tinalikuran ko na siya. I hate her to the core! Nagpunta ako ng bar at nag-inom lang ako nang nag-inom. I want to get drunk and forget about my problem. May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako. “May problema ka na naman? You look ugly!” Natatawang sabi ni Gavin. Sinamaan ko siya ng tingin. “Sinong mas gago sa ating dalawa? Hindi ba ikaw?” inis na sabi ko. Sinuntok ni Gavin ang braso ko ng mahina. “Wala naman akong sinabing gago ka? Makasabi ka naman ng gago?” natatawang sabi ni Gavin sa akin na ikinasimangot ko. Tinungga ko ang baso na may lamang alak. “She’s pregnant,” sabi ko. Nagtatakang tiningnan ako ni Gavin. Nakasalubong ang kanyang mga kilay. “Who’s pregnant?” tanong nito. “Bernadette.” Sagot ko. Biglang natawa si Gavin sa akin. Ako naman ang sumalubong ng kilay sa kanya. “Ano naman ang nakakatawa doon sa sinabi ko?” “Ang akala ko hindi ka pa nakaka-move on kay Isabella. You've moved on. You see, you got Bernadette pregnant.” Nainis ako sa sinabi niya. The hell I will move on to Isabella. I will never do that! “Who wouldn’t thought?” aniya at natawa pa ito. “It was an accident. Lasing ako at that time kaya may nangyari sa amin.” Paliwanag ko. Akala ko kasi si Isabella ’yun. Nag-hallucinate lang pala ako. Masyado lang madami akong nainom. “So lahat pala ng lasing hindi alam ang ginagawa? Oh, seriously? I don't think you're telling the truth. You know what you're doing.” Pinalalabas ba niyang alam ko ang ginagawa ko sa mga oras na iyon? “Yeah, I thought she’s Isabella kaya nangyari ang hindi dapat mangyari sa aming dalawa. Nadala ako sa imagination ko na akala ko ang nasa kama ko ay si Isabella.” Gavin laughs at me. “Alam mong nakipaghiwalay sa iyo si Isabella at pinili na niya si asshole Chris. Iniisip mo pa rin bang babalik sa iyo si Isabella? Tanga lang ang mag-iisip niyon. And I think ikaw iyon. To tell you this. If I’m drunk I know what I am doing. Maliban lang sa nahihilo ako at mabigat ang katawan ko ay wala na. Kilala ko pa naman ang nasa paligid ko. Kaya hindi kapani-paniwala ’yang sinasabi mo. Tell that to the marine!” Sabi nito at tumawa muli. Mas nakakainis na tawa. Sumama ang mukha ko. Gusto kong ibuhos sa kanya ang laman ng baso ko. “Hindi naman ako ikaw. Gago! Magkaiba tayo ng katawan. Are you here to annoy me? It's not funny you know,” inirapan ko siya. Inakbayan niya ako ngunit pinalis ko ang braso niyang nakapatong sa balikat ko. “Alam mo it’s time to move on man! Hayan magkakaanak ka naat magiging ama ka na. You should prioritize them kasi kapag nawala sila doon mo lang mare-realize ang kahalagahan nila sa buhay mo. Kaya huwag mo nang hintayin mangyari ’yun. Huwag mo akong gayahin kasi hanggang ngayon hindi ko pa mapatawad ang sarili ko. Ang daming oras at panahon na pinalagpas ko pero wala akong ginawa sa mag-ina ko. Hindi ko man lang sila hinanap kasi alam mo kung bakit?” Napalingon ako kay Gavin. His eyes were sad kahit tumatawa siya makikita mong it was empty. “Bakit?” “Mapagmataas akong tao. Ang akala ko kaya ko lahat. Wala akong inisip kung hindi ang sarili ko. Akala ko kaya ko. Pero na-realize kong hindi ko pala kaya. Nasaktan ko ang babaeng minahal ako sa kabila ng agwat ng estado namin sa buhay. Kahit mahirap sa kanya mag-adjust sa akin pero ginawa niya. Ako? Hindi ko inisip na nahihirapan na pala siya.” Gumaralgal ang boses niya. Naawa ako sa kaibigan ko. Inakbayan ko si Gavin. Ngayon lang nag-open up ang kaibigan ng kanyang saloobin. He didn’t say anything about his wife. Hindi ko naman siya tinanong pa dahil gusto kong irespeto kung ayaw niyang magsabi sa akin ng kanyang problema. Magkaiba kami ng sitwasyon at problema. Iba si Jane ang asawa ni Gavin at si Bernadette. Mahal ni Gavin si Jabe. I don’t love, Bernadette. Siya itong ipinagsisiksikan ang sarili niya sa akin. PAGKAAlis ni Fernan walang ginawa si Bernadette kung hindi umiyak. Don lang niya nailalabas ang sakit na nararamdaman niya sa pagbabalewala sa kanya ni Fernan. Hindi niya ini-expect na mas lalong nagalit sa kanya si Fernan. Ako pa ang lumabas na masama at inisip niya pang plano kong magpabuntis. Ang akala ko kapag nalaman niyang buntis ako magbabago na siya at mamahalin na niya ako. Ngunit nagkamali ako mukhang mas lumala pa ang galit niya sa akin. Umupo siya sa kama. Napapagod na siyang isiksik ang sarili kay Fernan. Gusto na niyang sumuko ngunit naiisip niya ang ipinagbubuntis niya? Ayokong walang makagisnang ama ang anak niya. Napahawak siya sa tiyan. Huminga siya ng malalim. Hindi niya dapat sukuan si Fernan. Tama ang sinabi ni Tita Lilly kung mahal niya si Fernan dapat ipaglaban niya iyon. Lalo ngayong magkakaroon na sila ng anak. Tumayo siya upang magluto ng ulam. Ipagluluto niya si Fernan. Gagawin niya ang lahat para mapalambot ang matigas niyang puso. Hindi siya dapat mawawalan ng pag-asa. Nang matapos siyang magluto inilagay niya sa lamesa ang mga naluto niyang ulam Lahat ay paborito ni Fernan. May afritada, pochero at sinigang na baboy. Naglagay din siya ng flower sa gitna at may candle pa. Napangiti si Bernadette nang makita niya kung gaano kaganda ang ginawa niyang preparation. Parang date lang nila. Nagsuot siya ng simpleng bestida para hindi siya magmukhang busabos sa paningin niya. Hihintayin na lamang niya siya dito sa sala. Naupo siya sa sofa. Habang hinihintay siya ay nanood muna siya ng TV. Ilang oras ang lumipas ngunit walang Fernan ang dumatin. Inaantok na siya at hindi na niya maintindihan ang kanyang pinanonood sa TV. Nagpasya siyang umidlip muna at baka mamaya pa ang uwi nito. Naalimpungatan siya nang makarinig ng kalabog. Bumangon siyang pupungas pungas na napatingin sa pinto. Nagulat siya nang makita si Fernan na nakaupo sa sahig at nakayukyok ang ulo. Mukhang lasing na lasing. Nilapitan niya ito. “Fernan, bakit ngayon ka lang?” Napalayo ako nang maamoy ko ang alak. Parang babaligtad ang sikmura niya nang maamoy ang alkohol. Nagtaka siya sa sarili dahil hindi naman siya sensitive sa pang-amoy niya kahit na alkohol pa iyon. Pero bakit ngayon ay ayoko ang amoy niyon. Dala kaya ito ng kanyang pagbubuntis? Nawala siya sa kanyang iniisip nang marinig ang malakas na pagtawa ni Fernan. “Bakit ka natatawa?” tanong ko. Nagtataka siya sa ikinikilos ng lalaki. “Yeah, Gavin is right kahit lasing alam ko pa din ang ginagawa ko. Pilit kong binabalewala ang mukha ng taong nasa harapan ko at ini-imagine ko lang na siya ang nasa harapan ko.” Aniya. Hindi niya ito maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Instead na tanungin kung sino ang gusto niyang tukuyin iba ang sinabi ko. “G-Gusto mo bang kumain? N-Nagluto ako ng hapunan natin. Iinit ko na lang.” Sabi niya at akmang aalis na nang magsalita si Fernan. “Alam mo hindi ko alam kung saan ka ba nag-aral, ha? O, talagang bobo ka! Hindi ka makaintindi. Ayoko sa iyo! Hindi kita mahal! Huwag mong ipilit ang sarili mo kahit lango ako sa alak ngayon. I don’t like you and I will never love you! Get out of my way! Lamunin mo ang lahat ng niluto mo!” Nabigla siya sa sinabi ni Fernan. Parang tinarakan ng patalim ang puso ko dahil sa uri ng kanyang binitawang salita sa akin. Napaatras ako. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Tumayo si Fernan ngunit out of balance. Napaupo ito. Tutulungan niya sana ito ngunit tinabig niya lang ang kamay ko. Kahit hirap sa pagtayo ang lalaki ay nagawa niya. Pagewang-gewang itong naglakad palayo sa kanya. Tumigil sa paglalakad si Fernan at nagsalita na hindi tumitingin sa kiantatayuan niya. “You know what? You better get out of my life. Kasi nakakasuka ka! Hindi ako makahinga kapag nandito ka sa bahay ko!” anito at natawa. “Oh, yeah, makapal pala ang pagmumukha mo na kahit anong sabihin ko sa iyo hindi ka tinatalaban!” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya siya. Tuluyang tumulo ang mga luha ko. Napahawak ako sa ibabaw ng puso ko. Napahawak siya sa ibabaw ng kanyang puso. She crumpled her clothes. Naiinis siya sa sarili dahil tanga siya na umaasang mamahalin siya ni Fernan. Kahit ilang beses na nitong sinabi na hindi siya mamahalin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD