Pinagmasdan ko ang lalaki, na ngayon ay papalapit na sa amin. Kaya maraming katanungan ang pumasok sa aking isip. S'ya ba talaga ‘yon? Ano'ng ginagawa n'ya rito? Bakit parang ibang iba s'ya? Hindi kaya kambal n'ya ang lalaking ito? “Mr. Korizaki, nice meeting you again.” “Tch, ang tagal mong nawala?” “Alam mo namang busy ako sa pagbabantay sa taong sinasabi mo.” Aniya at biglang tumingin sa akin kaya bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit gano'n ang nararamdaman ko. “Tch, don't worry. Ako na ang bahala do‘n.” “Baka naman, bigyan mo naman ako ng reward.” “Tch, I'll think about it.” “Hi Haykira!” p*ta s'ya ba talaga itong kaharap ko, at kilala n'ya ako. "H--- hi..." utal na bati ko rito. "Nandito ka rin pala, tignan mo nga naman at kasama muna ang taong pina--- dahil sa bala