Chapter 2

842 Words
Claudia's Pov Naglalakad ako papuntang palengke ng umaga ng linggo, maaga pa iyon kaya madaming nagkakagulong tao sa una- unahan ko. Abala ako sa pamimili ng pulseras para sa akin. Maganda ang pagkakagawa at halatang walang kaparehas ang mga ito dahil sariling gawa ng nagtitinda.Nakapuwesto ang nagtitinda sa harap ng eskinita ng tindahan ng bulaklak at bakanteng tindahan. Napakaganda ng mga pulseras, kumikinang ang mga ito kapag nasisinagan ng araw. Itinapat ko sa araw ang bracelet na napili ko, kumikinang ang pagkapula nito na gustong gusto ko. "Kukunin ko na po ang isang ito manong, magkano po?" tanong ko habang hinuhugot ang aking pitaka "Naku, libre na yan iha para sayo." sabi ni manong sabay senyas ng thumbs up banda sa likod ko Nilingon ko kung sino ang sinenyasan nya, nasa kabilang kalsada ang lalaki. kumaway lamang ang lalaki at ngumiti ng bahagya Inaalala ko kung saan ko sya nakita. Tama, nakikita ko syang kasama ng mga kapatid ko. "thank you" mahina kong nausal Naglakad ako patawid sa kanya, pilit kong inaalala ang pangalan niya habang papikit kong naglalakad,"Ano nga ang pangalan nya? Ch , Charles? Tama.. "Charles!," tawag ko sa kanya, kumaway ako ngunit huli na Naramdaman kong patumba na ako patalikod sa semento,. Sinalubong nya ako,. Muntik na akong mahagip ng napakabilis magmaneho ng motor na iyo. Pero dahil sinalubong nya ako nakayakap sya sa akin, unti unti kong nararamdaman na anumang oras babagsak kami sa sementong napakatigas at maalikabok. "Clau, Clau, Clau" naririnig ko na may tumatawag sa pangalan ko "You are now safe babe, pwede ka ng tumayo dahil madaming nakakakita sa atin. " sabi ng lalaking ngayon ay nasa ilalim ko Parang kamatis na pula ang mukha ko ng mapagtanto kong nakapatong ako sa kanya habang ang likod nya ay nakalapat sa semento. Buhay ako. Teka ano nga ba ang nangyari? Ang naalala ko nalang ay nag slow motion ang mga bagay at nakita kong tumakbo palapit sa akin si Charles. Itinayo ko ang nakahigang si Charles at nag alisan na ang ibang mga tao. May isang nagmagandang loob na nagtanong kung kailangan ng ambulansya pero sinabi ko na ok lang ako at ganun din ang sinabi ni Charles. "Halika nga dito," hinila ko ang kamay ni Charles "Thank you for saving me. Ok ka lang ba? May masakit ba sayo? Should i bring you to the ER?nag aalalang tanong ko "Madami" tipid nyang sagot "Ano bang iniisip mo at hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? " galit nyang sabi habang hawak ang kamay ko na kanina ay hinihila nya papunta sa eskinita "Ikaw.? I mean, I was trying to recall your name., I'm sorry, bitawan mo na yung kamay ko. Masakit po." nakataas ang kilay ko na pahayag "So ako pa ang may kasalanan ngayon? binitawan nya ang kamay ko pero ramdam kong nag gagalaiti sya sa mga salitang binitawan nya "Wala naman akong sinabi na kasalanan mo ah?. " balik ko sa kanya" I already thanked you, ano pa ang kailangan mo?" mataray ko pang pahabol "You know, maganda ka sana kaso ang sungit mo" At dapat pinaparusahan ang mga kagaya mo, ikaw na nga ang iniligtas ikaw pa ang nagtataray" papalapit na ang mukha nya sa galit "Nasasaktan po kasi ako sa paghawak" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na nya ako papunta sa eskinita malapit sa tindahan ng bulaklak,hinawakan nya ang dalawa kong kamay at itinaas sa gilid ng mga ulo ko. Sinubukan kong lumaban pero ang lakas nya. Dahan dahan na lumalapit ang mukha nya sa akin.Unti unting lumiliit ang distansya nya sa akin at hindi na ako makaatras dahil nakasandal na ako sa pader. Hinalikan nya ako ng mabilis sa gilid ng mga labi at saka ngumiti sya ng bahagya "Bastos,! sigaw ko habang pumipiglas sa pagkakahawak nya sa mga kamay ko. Muling gumalaw ang mukha nya papalapit sa akin. Halos dumugo ang mga labi ko sa mapupusok nyang mga halik, pinanatili kong nakasara ang mga labi ko sa ginagawa nya. Kakagatin ko na sana ang mga labi nya ng biglang magbago ang paraan ng paghalik nya.Buong lakas kong pinipiglas ang kamay ko ngunit hindi pa din ako makawala. Naramdaman ko na bumagal ang mga halik nya,para akong kinikiliti at nakita ko nalang ang sarili kong humahalik na ako pabalik sa kanya. Nakahawak na ako sa batok nya habang ang kanang kamay ko ay ginugulo ang mga buhok nya. Naramdaman ko ang pag ngiti nya habang nakalapat pa ang mga labi nya sa labi ko. "Manyak!, " buong lakas ko syang sinampal na ngayon ay sapul na sapul sa malambot nyang mukha Mabilis akong tumakbo pauwi sa bahay ng humihingal.. Oh my God, what is this feeling. Hindi, mali ito. Lagot sa akin ang damuhong yun kapag nagkita kami. Hindi ko ito papalampasin. Nakaharap ako sa salamin habang iniisip ang nangyari. Saka ko lang napansin na gumamit nga pala ako ng konting red shade na lipstick na ngayon ay kalat na kalat sa bibig ko. Eeeeeerrrrrggggghhhhh.. Hindi ko talaga to mapapalampas. Humanda sa akin yong mokong na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD