Six Months later. . . Nagising si Larah dahil sa isang masamang panaginip. Napabalikwas syang bumangon at kinapa kapa nya kaagad ang tabi nyang higaan sa pag aakalang katabi pa nga nya si Blake. Pero nakikita nyang nasa apat na sulok na pala sya ng kanyang kwarto,ang akala nya kasi na nasa isla pa rin sya ng Santiago. Doon lang sya natauhan nang marinig na nya ang ingay ng mga batang naglalaro sa labas, at yon nga ang unti-unting nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Nakauwi na nga sya sa bahay nila, at malayo na sa kagubatan ng Santiago at lalong lalo na malayo kay Blake. Napabuntong-hininga na lamang si Larah. Sa pangalawang pagkakataon ay nabigo na naman sya sa pag-ibig. Bakit kaya ang hirap nyang makalimotan si Blake? Maikli lang naman ang panahon na nagkasama sila. Apat na gabi lang