Gabi na ng makabalik si Blake. Wala man lang narinig na ingay si Larah ng nakabalik na ito, kaya bigla nalang syang nagulat nang nasa harap na nya si Blake.
"Blake you startled me" gulat na sabi ni Larah. "what happened?..bakit ang tagal mo nakabalik?"
"pasensya ka na..naligaw kasi ako" paliwanag sa kanya ni Blake.
"so naka kuha ka ba ng tubig?"
"Oo, eto na, uminom ka na" at ibinigay ni Blake ang water container kay Larah.
Pagkatapos uminom ni Larah sumimangot ito kay Blake at nagtanong.
"saan na tayo pupunta ngayon?"
"nang maligaw ako sa gubat kanina, may nakita akong isang place na pwede tayo magpalipas ng gabi don" sabi sa kanya ni Blake.
"pero madilim na" nag aalinlangang sabi ni Larah."gano ba tayo katagal makarating don?"
"hindi naman ganon katagal..maybe a couple of hours lang." sagot naman ni Blake.."tara na,umpisahan na nating maglakad."
Kahit sa gabi ay mainit at maalinsangan pa rin sa gubat. kating-kati na ang buong katawan ni Larah,she felt like crying pero pinigilan nya ito dahil ayaw nyang mag self-pity sa mga nangyayari sa kanya ngayon.
Maya-maya lang, wala ng ideya si Larah kung gano na kalayo ang kanilang nilalakad. She walked closely to Blake so that they would not become separated in the dark.
Namamaga at masakit na naman ang mga paa ni Larah sa layo na nang nilalakad nila,nag simula na ring humina ang mga tuhod nya at humihingal na rin sya. Pina aalahanan nalang nya ang kanyang sarili na isa lang tong pagsubok sa kanya ng tadhana at hindi sya dapat magpa apekto. Pinangako rin nya sa kanyang sarili na kung maka uwi lang syang ligtas sa kanilang bahay ay mag e-enroll talaga sya sa aerobics class o di kaya mag zumba sa isang maganda at air-conditioned na gymnasium,naisip nya kasi na kaya madali syang mang hina dahil hindi ito mahilig mag exercise o mag gym noon.
Sa patuloy na paglalakad nila napansin ni Larah na lumiwanag na ang kanilang dinadaanan dahil wala na itong masyadong matataas na kahoy na naka harang sa liwanag ng buwan. Sa wakas ay naramdaman na rin ni Larah ang simoy ng hangin at umaliwalas na rin ang kanilang kapaligiran.
Biglang huminto si Blake sa paglalakad at tumingala ito sa buwan kaya napatingala na rin si Larah sa buwan, pero tinapik sya ni Blake sa kanyang kanang balikat upang magpatuloy sila sa paglalakad.
Sa patuloy nilang paglalakad ay nakarating sila sa paanan ng bundok. Agad napaisip si Larah na baka aakyat sila sa bundok pero ang ipinagtataka lang nya ay patungo rin sila sa dagat. Unang umakyat si Blake sa paanan ng bundok at sumunod naman si Larah, nang pag akyat ni Larah ay bigla nalang syang nadulas dahil sa hamog nito.
"Blake?" mahinang tawag nya "nadulas ako,tulongan mo naman akong maka akyat" at nilahad ni Blake ang kanyang kamay para tulongan syang maka akyat.
"san na ba tayo ha?" tanong ni Larah sa binata.
"paakyat tayo sa bangin ng dagat" sagot naman ng binata.."alam mo kanina ng naligaw ako,may nakita akong isang maliit na pool na may tubig..kaya don nalang ako kumuha ng tubig na nilagay ko sa water container,at swerte na rin dahil ang tubig na yon ay nagmumula sa spring..nakita ko kasi ang isang ibon na umiinom mula sa spring,kaya agad ko itong nilapitan at nakita ko naman kung gano ito ka linis at ka linaw kaya don nalang ako kumuha ng tubig na maiinom..at hindi lang yan meron din akong nakitang yungib don na pwede natin matulogan ngayong gabi."
"hindi lang yon basta swerte Blake,tinadhana talaga yon" masayang sabi ni Larah kay Blake.
"tinadhana?"balik na tanong ni Blake sa kanya habang nakataas naman ang isang kilay nito.
"yon kasi ang sabi ng lola ko, na kapag daw ang isang magandang bagay makikita mo by chance,hindi daw swerte or aksidente yon, dahil tinadhana talaga yon na mangyari."
"Oo na, sabihin na nating tinadhana na kung tinadhana,basta ang importante para sa akin ngayon ay meron na tayong mapaglipasan ng gabi and at the same time,marami ring tubig na maiinom. Kaya kumapit kana dyan dahil aakyat na tayo papunta doon.”
Mga ilang minuto din ang nakalipas at naroroon na sila sa pasukan ng isang yungib. Sa una ay nahihirapan si Larah na makapasok, pero nakaya naman nya dahil inalalayan naman ito ni Blake. Nang makapasok na sila sa loob, talagang nabigla itong si Larah dahil ang buong akala nya ay madilim sa loob ng yungib pero hindi pala dahil meron itong opening sa ibabawng bahagi na makikita nito ang kalangitan. (A/N: picture ng yungib ang nasa multimedia)
At ang lalo pang napamangha sa dalaga ay ang nakita nyang agos ng tubig na nagmumula sa spring na nasa loob nito, napaka dalisay at napaka linis nitong tingan kaya lumapit kaagad ang dalaga at lumuhod para maka inom ng tubig gamit ang dalawa nitong kamay. Nalasahan nya ang tubig na parang isang matabang na mineral water, pero para sa kanya di na mahalaga yon, ang importante ay may maiinom sila at matutulogan sa ngayon.
Sa kaiikot ni Larah sa loob ng yungib ay sa wakas napa upo na rin ito. Binuksan nya ang kanyang bag tas kinuha nya ang isang kumot at inilatag nya iyon sa ground.
"this is wonderful" sabi pa ni Larah.."kung meron pa sanang ibang amenity here,then it would be perfect"
"what's that?" tanong naman ni Blake sa kanya.
"Dinner"
"maybe I can arrange that too,maiwan ka muna dyan, hahanap lang ako ng makakain natin" sabi ni Blake habang naglalakad palabas ng yungib.
Nang makabalik si Blake nagdala ito ng isang bunch ng hinog na saging at hinog na papaya at nilagay nya doon sa gitna ng kumot na inilatag ni Larah kanina.
"well..its pretty obvious..kung ano ang naging trabaho mo" nabubulol na sabi ni Larah kasi puno ang bibig nito sa kakain ng saging.
"anong ibig mong sabihin?" he asked cautiously at bigla itong na tense sa pinagsasabi ni Larah sa kanya.
"i mean..shiguro isha kang magician noh?" nabubulol ulit na sabi nito.
Nakahinga ng maluwag si Blake sa sinagot ng dalaga dahil akala nya kung ano na ang mga natuklasan nito.
"sabagay,kahit hindi steak tong kinakain nating hapunan pero mas healthy naman to kay sa mga kinakain natin na chocolates and candies..nakita ko na kasi ang mga prutas na yan sa daan kanina ng papunta pa lang tayo dito." kalmadong sabi ngayon ng binata.."actually marami pa nga don,hindi ko lang binuhat lahat,tinago ko lang para may matira naman tayo for breakfast.”
Biglang napaisip si Larah kung ano na kaya ang mangyayari sa kanila bukas,kung makakarating ba silang ligtas sa bahay ng mga kaibigan ni Blake kinabukasan.
Samantalang nakikita nya si Blake na naghihiwa ng papaya gamit ang kanyang pocketknife,kumuha sya ng isang slice ng papaya at tinikman ito. Nasarapan sya kaya sunod-sunod ang subo nito.Natutuwang pinagmasdan naman ni Blake ang reaksyon ng mukha ni Larah habang kumakain ito.
"Gano ba kalayo ang bahay ng mga kaibigan mo?"
"hindi naman ganon kalayo"sagot naman ni Blake na patuloy pa rin pinagmamasdan si Larah habang kumakain.."maybe three or four hour's walk.kung aalis tayo ng madaling araw,siguro hindi na tayo maabotan nang init ng araw."
"ganon ba?..so matulog nalang tayo ng maaga,para maaga rin tayong magigising bukas." mungkahi naman ng dalaga.
Lumalalim na ang gabi pero di pa rin makatulog si Larah dahil giniginaw ito. Sa kabilang banda ay nakita rin nya si Blake nga nakahiga,na hindi mapakali at hindi rin makatulog, pero di nalang nya ito pinansin at sa halip ay sinubokan nalang nya ulit na ipikit ang mata..hanggang sa narinig nalang nyang nagmumura itong si Blake.
"Larah,this is stupid" sabi pa ng binata."Nandidito tayo nakahiga,nilalamig at ni hindi makakuhang makatulog..kaya halika dito, and we‘ll wrap ourselves together in the blanket."
Larah hesitated for just a moment pero naisip din nya na tama si Blake,baka hindi nga nya makayanan ang lamig buong gabi. Lumapit sya kaagad kay Blake at naka open arms pa ito,inviting her to join him in one blanket. Her first reaction was to flinch, pero hinila sya ng binata papalapit nito and tugged her firmly against him. Nagkasya rin sila sa iisang kumot, and his chin rested on the crook of her shoulder. Na tense si Larah dahil mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata.Hindi sya makagalaw,kaya wala syang magawa kundi mag relax nalang at matulog. Maya-maya lang ay naramdaman ni Larah na nakatulog na si Blake dahil lumuwag na ang pagkakayakap nito sa kanya. Hinayaan na rin ni Larah ang sarili na makapag relax sa matipunong dibdib ng binata na nagsusuporta sa likuran nya, finding satisfaction in the warm, protective arms that encircled her.Napakasarap sa pakiramdam ni Larah na meron syang kasama na isang tao sa kalagitnaan ng madilim na gabi. It made her feel less afraid and for the first time in a long,long time, Larah did not feel alone.
*****