Nang makarating sina Larah sa Busuanga. Lahat ng pangamba ng dalaga ay biglang nawala. Nagpunta kaagad sila sa pinakamalapit na munisipyo doon para ma contact ni Larah ang kanyang pamilya. Since pareho silang hindi nagdala ng cellphone sa pag alis nila. Pero sa halip na maging masaya si Larah dahil ligtas na sila,bigla naman syang nakaramdam ng parang kawalan. Pinagtanongan nila ang isang guard doon at sinamahan naman sila nito sa office of the Mayor. Biglang na conscious na naman si Larah sa itsura nya. Madumi at gusot na gusot na kasi ang damit nya. Maputla na din sya dahil wala na itong make-up. Pati ang buhok nya ay nag tangle na rin. Nang pumasok na sila sa opisina ng Mayor,agad naman silang sinalubong ng malugod na pagbati nito. Sinabi nila sa Mayor ang pakay nila sa pagpunta nila