Gabi na pero di pa rin dumadating si Blake. Nakatanaw lang si Larah sa kabilang dulo ng ilog umaasa na may Blake na paparating. Ano nalang kaya ang gagawin nya kung sakaling hindi na talaga babalik si Blake?tanong nya sa kanyang sarili. Sobrang nag-aalala na si Larah para sa binata,puro negatibo nalang ang mga naiisip nya,kung na aksidente ba ito o di kaya nabihag na sa mga rebelde. Ipinagdasal nalang nya na wala sanang masamang nangyari kay Blake. Gusto man nyang hanapin ang binata kaso di nya alam kung saan,at isa pa di nya kabisado ang lugar baka maligaw pa sya. Ang pagtawid nga sa ilog ay di nya magawa. Narinig ni Larah ang tilamsik ng tubig mula sa kabilang banda ng ilog kaya na excite itong malaman kung si Blake na nga iyon. Sa kanyang pag aabang ay hindi na nya muling narinig pa a