Maayos ko na nabayaran ang bill na natitira sa ospital pero ang kalagayan ni Papa ay hindi bumubuti. May bumabara sa ugat sa puso ni Papa at hanggang ngayon ay hindi ito nakaka recover. Sa bawat araw na lumilipas at kasama ko si Papa ay nakikita ko na humihina na lalo ang katawan nya at nalabas ang mga komplikasyon sa katawan nito kaya hindi ko maiwasan na matakot para sa kalagayan nya ngayon. Ngumiti ako at lumakad papunta sa bintana, tinignan ang kalendaryo at ngayong araw ang celebration namin ng anniversary ni Navi. Kailangan ko muna iisang tabi ang mga isipin ko at matagal din kaming hindi nag kita ni Navi, sasamantalahin ko ang pagkakaton na ito, nangako kasi si Navi na uuwi sya ngayon sa Manila, at dahil na rin sa anniversary naming dalawa. Nakangiti ako na lumakad sa direksyon