Masaya akong lumakad papasok sa building ng company ni Draven, wala na gaanong tao. Lalo na at uwian ng mga empleyado ay ala sais ng gabi, at pasado alas siete na ng gabi kaya kakaunti na ang tao at ang over time ay hanggang alas otso lang. Binati ako ng guard at pinag buksan pa ako ng pinto papasok. Tahimik at ang mga janitor ay nag lilinis na at isa isang pinapatay ang ilaw sa mga ibang department na wala na tao. Mabilis akong nakaakyat sa floor kung nasaan ang opisina ni Draven, wala na rin ang secretary nya. Kagaya ng sabi ni Draven ay mag overtime sya ngayon dahil may mga kailangan syang asikasuhin, kaya matapos ko masundo si Pietho sa school ay inasikaso ko ang anak ko bago dumiretsyo rito. Malaki ang ngiti ko ng itulak ko ang pinto ng opisina ni Draven, nawala ang ngiti sa labi k