Nakaupo ako sa waiting shed habang inaantay ang sasakyan pauwi sa bahay. I am looking at my wrist watch at kakatapos lang ng shift ko sa ojt ko ngayon. Umpisa na at halos isang linggo na ang nakakalipas. Maayos naman ang takbo ng lahat, at kahit paunti unti ay nasasanay ako sa set up ko na ako lang at wala nang iba pa. Papa is getting better now, but the hospital bill is getting bigger, at hindi ko alam kung papaano ko babayaran iyon, dahil isang linggo pa lang ay malaki na ang bill namin, ang payo pa ng doctor ay baka sa susunod pa ito makakalabas kapag tapos na sila nag monitor sa sitwasyon nya at malalaman kung kailan at kung puwede na ba. Binuksan ko ang payong ko, lumakad papunta sa convince store, ang lamig sa loob pero hindi ko ito alintana, dumiretsyo sa counter para bumili ng i