Nasa kwarto ako ngayon at kasama sila Sheen at Nila na ang sama ng tingin sa isa't isa ngayon, para silang nag papatayan na kahit tingin lang. "Alam mo ang panget mo kasama, lapitan ka ng gulo. Baka mamaya nasa police station tayo kasi nakipag away ka at nang landi ka ng boyfriend ng iba," saad ni Sheen kay Nila at nag ismiran sila. "Ang baho ng bibig mo. Ang sasama ng lumabas at mabaho ka pa kaya wala nalapit at nang liligaw na lalake sa iyo," sagot naman ni Nila at ako ang napaismid sa kanilang dalawa. Hahablutin sana ni Nila ang buhok ni Sheen ng pumagitna ako. "Huwag mo isama yan, mang aagaw yan ng boyfriend, baka mamaya boyfriend mo na ang agawin nyan Kourtney. Ingat ka, ang ahas lahat ay tinutulaw." Umismid at nag hubad si Sheen at nag palit ng damit. "You delusional and stupid