“Akala ko ba papasok na tayo, bakit natigil ka diyan?” pangungulit nitong si Sarah. Kumukuha pa kaya ako ng lakas baka mamaya pag kaharap ko na si Liam hindi na ako makapagsalita dahil sa hiya, parang ‘nung nakaraang araw lang todo ko siya kung isumpa tapos ngayon lalapit ako sa kanya. “Maghintay ka nga! Need ko kumuha ng energy.” pigil ko sa nangangati niyang mga paa na gusto na ata maglakad papasok sa malaking gate. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang biglang bumukas ang gate at lumabas ang kotse na alam ko na pagmamay-ari ni Liam. Nakita namin ni Sarah na bumukas ang pinto ng kotse kaya inihanda ko na ang sarili ko. “What are you doing here?” unang bungad ni Liam. “A-ah, can we talk?” I asked nervously. He looked at me in the eyes, “Okay, let’s talk inside.” Lumak